Sadya talagang malaginintuan ang boses ng Pinoy pagdating sa kantahan, kung mayroon man sintunado ay nadadala pa rin nila ito sa pamamagitan ng pagsayaw habang umaawit upang mas lalong mapapahanga nila ang kanilang mga manonood.Sa ginanap na Piyesta ng Banyaga Milan Association sa pamumuno ni Artemio Mendoza jr, nag-organisa sila ng isang makuwelang contest na kung saan ginaya nila ang isang segment sa isang tv network sa Pilipinas na pinamagatang “Your face sounds familiar”.
Nagkaroon muna ng prosisyon para sa kanilang Mahal na Poong Sta. Cruz, pagpupugay sa kanilang Mahal na Santo na kung tawagin ay “luwa”.
Sinundan naman ito ng masaganang salu-salo na inihanda sa nasabing piyesta habang ang ilan sa mga contestants ay abala sa pag-i-ensayo at inaayusan sila ng mga batikang hair and makeup artists ng Milan maging sa pagsuot ng kanilang mga costumes bago nagsimula ang kompetisyon.
Tampok ang sampung mga contestants ang lumahok sa nasabing paligasahan at wala rin itong age limit.
Ang mga mang-aawit na kinabibilangan nina Alex Garciana ginaya si Adam Levineang lead singer ng grupong maroon 5, si Melanie Garciaginaya si Britney Spears, American singer, songwriter, dancer, actress, Lea Garciasi Mariah Careyisa din American singer, songwriter, actress, record producer, philanthropist, at entrepreneur, Francy Garciasi Stefani Joanne Angelina Germanotta o mas kilalang Lady Gaga, American singer, songwriter at actress, Avenir Mendozasi Miljenko Matijevićang lead singer ng Steelheart Rockband,Mariel Garciasi Alicia keysang 15-time Grammy Award-winning singer/songwriter/producer, Lenie Nunezginaya si Mercy Sunotisa sa lead vocals ng Aegis pop/rock band, Miko Garciaginaya si Bamboo Mañalac o mas kilala sa pangalang Bamboo, isa siyang FilAm musician at singer-songwriter, Lucy Garciasi Anna Mae Bullocko mas kilalang Tina Turner, isang Swiss singer, songwriter, at actress, at Keith Mendozasi Isabel Mebarak Ripoll o mas kilalang si Shakira isang Colombian singer, songwriter, dancer, businesswoman,at philanthropist.
Walang tigil ang hiyawan ng mga manonood na halos maririnig ang ingay sa labas ng hall na kung saan agaw atensiyon ito sa mga taong dumadaan paligid.
Ang mga hurado na sina Laarni de Silva ang professional musical instructor, Jenold, kilalang emcee/host ng Milan at UPIRM online radio station manager Michael Jay, at ayon sa kanila, lahat ng mga contestants ay may potential sa larangan ng pag-awit subalit may mas karapatdapat na magwagi sa isang kumpetisyon na base sa mga kategoryang sinusunod ng mga ito, kung kayat naging kampeon si Lenie Nuñes na ginaya si mercy sunot ng grupo ng aegis at ayon sa kanya paborito niya ang folk rock at sa mga grupong yon ay mas pinili niya ang aegis. Pumangalawa si keith mendoza at pangatlo si Lucy Garcia, nagkaroon din ng mga token for participation para sa mga ibang contestants.
Hindi rin nagpahuli ang mga Nanay at kanilang mga tsikiting sa isang dance intermission numbers.
Sa huling programa ay nasama-sama ang buong grupo sa entablado at sabay-sabay nilang kinanta ang awitin “We are the World”
Sa kasalukuyan ayon sa Banyaga Milan Association President ay mayroon silang mahigit 200 miyembro na walang patid ang pagkakaisa ng mga ito ng mahigit labing anim na taon.
Kabilang sa kanilang mga proyekto ang pag papaganda ng kanilang simbahan at barangay at pagbibigay ng suporta sa kanilang mga karating barangay sa Agoncillio Batangas, upang mas lalong mapalawig pa ang pagkapit bisig ng mga Batangueño sa kanilang lugar.
Chet de Castro Valencia