Nagpakitang gilas at nagpasiklaban ang mga Mommies sa larangan ng Zumba sa Bologna Italy.
Nagmula ang mga grupo sa Milan, Padova at sa host city, Bologna, at mahigit 80% ng mga participants ay mga mommies na, na may edad mula 30 hanggang 73 taon gulang at ang nalalabing 20% ay pawang mga teenagers.
Ang Zumba Battle ay inorganisa ni Marifi Paet, kilalang Zumba instructor sa Bologna.
At para sa taong ito, ang Milan Taebo Fitness ang nag-kampeon sa ikalawang edisyon ng Zumba Battle, pumangalawa ang Pataraki Dance Fitness, at pangatlo ang K Dance Fitness.
“Nagpunta kami dito para mag-enjoy at maipakita ang aming talento. Isang buwan naming pinaghandaan ito.” Masayang kwento ni Jun Ilagan ng Milan Taebo fitness instructor.
Bago nagsimula ang paligsahan ay nagkaroon muna ng warm-up at bawat Zumba instructors ang umakyat sa entablado at nag-execute ng kanilang moves na siyang ginaya ng mga participants.
Kasunod nito ang isang zumba presentation ang ipinamalas ng 2017 Zumba Champions, ang “Ryan Zumba” na siyang ginaya ng lahat ang mga original steps ng Zumba instructor na si Ryan Garcia.
Ayon kay Garcia hindi nakasama ang mga nakaraang champions dahilan sa maghahanda ang mga ito sa isang Battle of the Champions sa susunod na taon na gaganapin sa Milan.
“Kaya kami hindi nag-entry, ang isa sa mga reason ay walang enough time ang mga mommies dahil mga busy sa trabaho, at maaring magkaroon ng Zumba Champions Battle at yun ang paghahandaan namin.” Ani Ryan Garcia.
Samantala, isang grupo na kaiiba ang kanilang istilo na iprinisinta sa mga hurado at mga manonood, ito ay ang belly dancing mula sa grupong “D’spirit Magic Dancerz ng Milan, at ang kanilang dance instructor ay isang Peruvian.
Hinangaan din sila ng mga manonood maging ang mga dance instructors dahil lahat ng bahagi ng kanilang katawan ay gumagalaw mula umpisa ng kanilang presentation hanggang sa kahulihulian.
Ayon kay Paet, maganda ang zumba para sa kalusugan ng tao lalo na sa mga mommies dahil sa kanilang pang araw araw na trabaho dito at karamihan sa kanila ay mga domestic helpers.
“Majority ay mga mommies na nag-eedad ng 40’s, nagiisip sila ng para sa health nila, kumbaga kailangan nilang mag trabaho but kailangan nilang maging fit”, wika ng organizer.
At sa araw din yun ay masayang ipinagdiwang ang kaarawan ni Marifi at sinorpresa siya ng iba’t ibang grupo na niregaluhan siya ng birthday cake.
Hangang sa kasalukuyan ay umuusbong pa rin ang mga iba’t ibang Zumba dance group hindi lamang sa North of Italy kundi sa buong bansa maging sa mga iba’t ibang panig ng mundo.
Chet de Castro Valencia at
Dittz Centeno de Jesus
larawan ni Jesica Bautista