in

Zumba for a Cause, Tagumpay sa Bologna

Sa pagkakaroon ng mga biglaang trahedya dulot ng mga kalamidad sa ating bansang Pilipinas, naging adbokasiya na ng mga grupo ng mga OFWs ang makatulong sa anumang paraan na kakayanin nila.

Nitong magkaroon ng malawakang pagbuga ng abo ng bulkan ng Taal ng nakaraang ika-12 ng Enero, maraming pamilya ang inilikas sa ligtas na lugar, iniwan ang kanilang mga tahanan at ari-arian, bagay na isang malaking suliranin kung paano sila mabibigyan ng maayos na kalagayan habang malayo sa kanilang mga bayan. Dahil may nakaambang higit na malakas na pagsabog nito kaya kinailangang manatili pa rin sa mga evacuation centers ang mga kababayan natin na nasa malapit at perikolosong lugar paikot sa bulkan ng Taal.

Marami din sa mga naririto  sa bansang Italya ang may mga kaanak  at kakilala na naapektuhan at nakipamahay sa iba o kaya naman ay nanatili sa mga evacuation centers. May ilan din na humingi ng tulong sa mga organisasyon upang makapagpadala ng tulong-pinansiyal.

Kung kaya ang mga Zumba instructors ng Bologna ay nagkaisang maglunsad ng ZUMBA FOR A CAUSE kung saan ang lahat ay inanyayahan na makilahok para makatugon sa panawagan.

Ito ay naganap nitong ika-8 ng Pebrero sa Palestra Moratello via Achille Casanova 11, Bologna, mula ika-6:30  ng gabi hanggang ika-9. 

Pinangunahan nila HAZEL MAGDAMIT ng Hyper Megara Fitness Club, JONATHAN ILARDE ng Zumba Fitness Class Pinoy, IBETH CABALLAR ng Zumba Energetic Moms, CHERLIE DONATO ng Marias Zumba Family Club, EDILYN MENDOZA at LYRA FRANCO ng Flexion Fitness ASD at ng Italian guest ZIN ALICE CLERICI.

Bawat Zumba instructor ay naglaan ng kanilang presentasyon at mayroon ding sama-samang pagsayaw na sinabayan ng lahat ng lumahok, kasapi man o hindi ng mga nasabing grupo.  Si JOY ALVAREZ ang naging guro ng maigsing palatuntunan.

Nagbigay din sila ng mga sertipikato ng pasasalamat sa labindalawang isponsor na nagkaloob ng donasyon at serbisyo  na kabilang ang mga sumusunod: Ala Eh Fratelli Lights and Sound System, I-Fern Europe ni Anne Mendoza, Fely’s Cuisine, Pinoy Rapsa Catering, LAFA, REAM, Frost and Bites, Wilson Naungayan na event Videographer and photographer, Vivian Hufano Formoso, Avon Store Bologna ni Dang Alamag, Tropang Mazzini Batch 2019 at Bien Donato.

Naging makabuluhan din ang naging adbokasiya ng mga napili nilang Modernong Bayani ng Taal kung saan ay apat ang kanilang binigyan ng sertipikato ng pagpapahalaga. Kabilang dito sina RHEGIE RIVERA, MERCEDITA DE JESUS, APRIL MEDINA at KATHY DOROJA.

Ang nalikom na donasyon ay hinati para sa limang grupo ng Zumba upang ito ay kanilang maipadala sa kani-kanilang benepisyaryo sa Batangas.  

Ang ZUMBA FOR A CAUSE na ito ay simula na rin ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng limang Zumba groups dito sa Bologna para sa mga susunod pa nilang adbokasiya. Kaya isang magandang inspirasyon ang naipamalas ng lahat dahil sa kanilang partisipasyon. Sa mga nagtulong-tulong upang maidaos ang dakilang programang ito, pati na rin sa mga sumuporta, isang sinserong pagbati para sa lahat. (ni: Dittz Centeno-De Jesus)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

TGBI-TO Bologna Chapter, nagdaos ng unang Anibersaryo

Tulong Taal Concert, ginanap sa Genova