in

Ano ang certificato verde?

qr-code-ako-ay-pilipino

Ang certficato verde ay ang pass na magpapahintulot makapunta sa ibang rehiyon na nasa ilalim ng zona arancione o rossa, tulad ng nasasaad sa bagong decreto riaperture. Samantala, ito ay hindi naman gagamitin sakaling ang pupuntahang rehiyon ay nasa ilalim ng zona gialla.

Ang certificato verde ay magpapatunay ng mga sumusunod: 

  • nakumpleto na ang bakuna laban Covid19. Ito ay balido ng 6 na buwan mula sa petsa ng huling turok ng bakuna, o
  • pagkakaroon ng resulta na negatibo sa swab test – molecolare o rapido na balido ng 48 hrs mula sa petsa ng test 
  • paggaling sa Covid19 na balido ng anim na buwan mula sa petsa ng sertipiko. 

Certificato verde: Saan ito makukuha? 

Ang sertipiko na magpapatunay na nakumpleto ang doses ng bakuna laban Covid19 ay ibinibigay sa unang turok pa lamang ng bakuna. Ito ay maaaring digital o printed form at ito ay pini-filled up ng vaccination center kung saan binakunahan. Bukod sa personal na datos ay makikita din dito ang bilang ng nakatakdang doses, kung nakumpleto ang mga doses at ilang mahalagang impormasyon ukol sa bakuna. 

Para naman sa mga gumaling sa sakit na Covid19, ang sertipiko ay magbubuhat mismo sa clinic o ospital kung saan nagpagaling ang pasyente. Sakaling nagpagaling sa sariling tahanan ang pasyente, ang sertipiko ay manggagaling sa medico di base o pediatrician. 

Gayunpaman, ang certificato verde ay gagamitin hanggang sa paglabas ng European platform, kung saan napapaloob din ang national certificates. Ito ay tatawaging DGC-Digital Green Certificate. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Decreto Riaperture, aprubado

Caregivers, kasabay ng inaalagaan sa booking online ng bakuna sa Lombardia