in

Ano ang dapat gawin kung hindi sapat ang sahod para sa family reunification?

Required salary Ricongiungimento Familiare 2023 Ako Ay Pilipino

Gusto kong kunin ang aking asawa at anak sa pamamagitan ng family reunification o ang kilalang ricongiungimento familiare, ngunit hindi sapat ang aking sahod o reddito. Maaari ko rin bang isumite ang sahod ng aking ama na kasama kong naninirahan?

 

Upang matugunan ang minimum salary required sa pagproseso ng family reunification o ng ricongiungimento familiare, ang mamamayang dayuhan ay maaari ring isumite ang kabuuang taunang kita ng mga miyembro ng pamilyang kapisan o kasamang naninirahan ng aplikante.

Alinsunod sa artikulo 29 ng D. Lgs. 286/98, ang dayuhan na magsusumite ng aplikasyon para sa family reunification ay kinakailangang nagtataglay ng minimum salary required buhat sa legal na paraan at hindi bababa sa halaga ng welfare benefit o assegno sociale at bilang karagdagan, ang kalahati ng halaga ng assegno sociale sa bawat miyembro ng pamilya na kukunin. (Family Reunification, ang required salary para sa taong 2017). 

Gayunpaman, kung ang kita ay mas mababa kaysa sa halagang kinakailangan, ang aplikante ay maaaring hilingin ang pagdagdag sa sahod ng miyembro ng pamilyang kapisan at regular sa naninirahan sa Italya. Ang mga miyembro ng pamilya, sa kasong ito, ay maaaring maging ang mga magulang, asawa, mga anak na nasa tamang gulang, kapatid na lalaki at /o kapatid na babae .

Sa puntong ito, bilang karagdagan sa mga papeles na kinakailangan ay kinakailangang isumite sa Sportello Unico per l’Immigrazione, ang orihinal at kopya ng mga sumusunod:

– CUD, 730 o Modello Unico ng miyembro ng pamilya bilang karagdagang sahod. Sa kaso ng mag-asawa na mayroong dichiarazione di reddito congiunta, isumite lamang ang 730

– Certificate of family composition at residency

– Certificate na nagpapatunay ng relasyon sa pagitan ng aplikante, kung sakaling hindi ito nasasaad sa family composition.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lindol sa Bohol, kasinlakas ng 32 Hiroshima atomic bombs – Philvocs

Fibre Fashion Show, l’evento più originale della moda e dei tessuti filippini a Roma