in

Ano ang pagkaka-iba ng marriage license at marriage contract?

Ang marriage license at marriage contract ay magka-iba.

altAng marriage license ay pahintulot ng gobyerno na ikasal ang babae at lalaki pagkatapos nilang patunayan na sila ay pwedeng ikasal ng naayon sa batas.

Ang marriage contract ay ang kontrata ng ikinasal na may basbas ng batas at gobyerno na sila ay panghabang-buhay at permanenteng magsasama bilang mag-asawa at pamilya.

Ang kawalan ng marriage license sa isang kasal except Art. 27-34 ay ground sa annulment ng marriage. Ayon sa Art. 20 ng Family Code, ang marriage license ay may validity at expiration period na 120 days from the date of issue, at ito ay automatically cancelled sa date ng expiration kung hindi ito ginamit. Kung ganon, ang kasal na ginanap na may expired marriage license ay pwedeng gamitin na ground sa annulment.

Ang kawalan ng marriage contract sa record ng local civil registry o NSO ay hindi ground sa annulment kung talagang may naganap na kasalan sa pagitan ng babae at lalaki.

Ang mga ofws sa ibayong dagat ay dapat magpakasal sa Consul ng Embahada . Kung hindi man sa Consul nagpakasal, ito ay considered valid unless annulled. Example; ang 2 Filipino na ikinasal sa simbahan sa Roma ay valid provided na mayroon silang requirements na naayon sa Philippine law. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy crew ng Costa at mga Ofws sa Roma, nagsalu-salo

It’s More Fun in the Philippines