in

Ano ang pagkakaiba ng Decreto Flussi at Regolarizzazione?

Contributi Inps ng mga domestic workers sa Italya.

Magandang araw po. Ako ay isang Pilipina at kasalukuyang undocumented sa Italya. Nais po ng aking employer na gawin akong regular sa pamamagitan ng decreto flussi? Hindi po ba dapat ay regularization? Ano po ang pagkakaiba ng dalawa?

Ang Decreto Flussi at ang Regolarizzazione, (kilala rin bilang sanatoria o emersione), ay dalawang magkaiba at makahiwalay na paraan. Ang pangunahing pagkakaiba, sa katunayan, ay ang pagiging residente ng dayuhan sa ibang bansa at samakatwid ay wala sa Italya – sa unang nabanggit – o ang nakatira na sa Italya ngunit undocumented o walang balidong dokumento upang manatili at magtrabaho sa Italya – para naman sa ikalawang kaso.

Gayunpaman, sa parehong kaso, ay kailangang hintayin ang paglabas ng batas buhat sa gobyerno. Karaniwan, ang Decreto Flussi ay inilalathala taun-taon habang ang Regolarizzazione naman ay isang espesyal o di pangkaraniwang batas at hindi inilalathala taun-taon.

Ang Decreto Flussi ay partikular na naglalayong gawing regular o legal ang pagpasok ng mga non-EU nationals na nakatira sa ibang bansa na nagnanais na makapasok at makapag-trabaho sa Italya. Sa madaling salita, ang employer na nais mag-empleyo ng isang Pilipino, sa pamamagitan ng quota o bilang na itinalaga ng Decreto Flussi – na maaaring per lavoro subordinato at  per lavoro stagionale – ay nagre-request o nagsusumite ng aplikasyon para sa “nulla osta”online sa pamamagitan ng website ng Sportello Unico per l’Immigrazione at kailangang patunayan ang pagiging kwalipikado o ang pagkakaroon ng mga requirements sa page-empleyo ng dayuhang manggagawa.

Ngunit dahil ang pangunahing kundisyon sa Decreto Flussi ay ang paninirahan ng dayuhan sa ibang bansa, ang dayuhang manggagawa na nasa Italya na at walang balidong dokumento sa paninirahan dito ay hindi maaaring maging regular sa pamamagitan ng prosesong ito.

Sa halip ay ang ikalawang proseso, ang Sanatoria o Regularizaazione o Emersione na tumutukoy sa pagre-regular sa posisyon ng dayuhang nasa Italya na ng walang balidong dokumento.

Sa kasalukuyan, tulad ng inilathala kamakailan ng Ako ay Pilipino, ang Decreto Flussi Stagionali o for seasonal workers ay inaasahan na ng sektor ng agrikultura bagaman wala pang malinaw na indikasyon mula sa kasalukuyang gobyerno kung kailan ito ilalabas.

Samantala, ang Sanatoria ay hindi pa tinatalakay o binabanggit man lamang.

Tandaan na ang inaasahang decreto flussi ay tumutukoy partikular sa seasonal job o ang regular na pagpasok bilang manggagawa sa bansa ngunit babalik sa sariling bansa matapos ang ilang buwang pagta-trabaho sa sektor ng agrikultura.

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maituturing bang employment ang pag-aalaga sa isang miyembro ng pamilya?

“Cittadinanza Italiana per meriti speciali, para kay Ramy” – Di Maio