in

Ano ang parusa sa paggawa ng false declaration sa ISEE?

Marahil dahil sa pagkalimot o sinadyang kulang o mali ang mga ibinigay na impormasyon para sa ISEE. Ano nga ba ang mga parusa sa paggawa ng false declaration para sa sariling ISEE?

Magsimula tayo sa pagpapaalala na ang ISEE ay indicator ng sitwasyong pinansyal ng isang household. Isinasaalang-alang ang kita, gastusin at bilang ng mga miyembro. Ang indicator ay nagbibigay-daan sa pag-access sa mga benepisyo at ‘agevolazione’ mula sa gobyerno, tulad ng Reddito di Cittadinanza at Assegno Unico at marami pang iba.

Mahalaga rin ang ISEE upang matukoy ang halaga ng mga bayarin sa mga paaralan at unibersidad para sa mga anak na gustong magkaroon ng degree. Bukod dito, nagbibigay-daan din ang ISEE sa mga scholarships mula sa gobyerno para makatipid sa mga bayarin sa unibersidad kahit na hindi masyadong mababang ang halaga nito.

Para sa maraming bonus na inilalaan ang gobyerno sa Italya, ang ISEE ay nagsisilbing patunay na mas mababa ang sahod kaysa sa itinakda ng batas at samakatwid batayan sa pagiging kwalipikado sa pagtanggap ng mga benepisyo.

Dahil sa mga kadahilanang ito, may nagtatangkang gumawa ng fase declaration upang matanggap ang mga bonus, diskwento o benepisyo. 

Bukod sa nabanggit, random ang paraan ng pagsusuri, kaya marami ang naglalakas loob at nakikipag-sapalaran sa pagbibigay ng false declaration. 

Bagaman hindi ito isang tax evasion, ito ay tumutukoy pa rin sa panloloko at naghahatid ng danyos sa gobyerno dahil natatanggap ang benepisyong hindi dapat matanggap. 

Ang sinumang gumagawa ng false declaration (kahit sa harap ng isang pampublikong opisyal) ay isang krimen na pinaparusahan ng batas.

Hindi lamang ang pagtatanggal sa benepisyo at pagbabalik ng buong halaga ng natanggap na bonus, diskwento o benepisyo, kasama ang angkop na multa nito at pinaparusahan din ng pagkakakulong hanggang anim na taon. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Decreto Flussi, pinag-aaralang gawin tuwing ikatlong taon

Artwork ng isang Pinay student sa Roma, hinangaan sa Milan