in

Ano ang Pork barrel?

Ang pork barrel, sa literal nitong kahulugan ay ang "bariles ng karneng baboy”. Ito ay isang salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng pamahalaan sa paggasta na pangunahing kinukuha mula sa kabang-yaman ng bansa upang magamit sa distritong isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito.

Sa karaniwang paglalarawan, ang "pork" ay sumasaklaw sa pagpopondo ng mga programa ng pamahalaan na ang serbisyong mga benepisyo ay nakalaan sa nasasakupan o lugar ngunit ito ay pinapasan ng lahat ng mga nagbabayad ng buwis.

Sa Pilipinas, ang pork barrel ang nakalaang malaking halaga ng pambansang taunang badyet ng pamahalaan para sa mga mambabatas ng bansa. Ang bawat senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso at ang bawat kongresistaay pinaglalaanan ng 70 milyong piso sa programang tinatawag na Priority Development Assistance Fund.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang isang kurakot na mambabatas ay maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong komisyon sa paggamit ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel para sa inprastraktura at iba pang mga proyekto. Ayon din kay Lacson, ito'y nangangahulugang ang isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40 milyong piso kada taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12 taon.

Pork barrel scam

Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto. Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga NGO ay illegal.

Ang mga nasangkot na senador ay sina: Bong Revilla (na naglipat ng 1.015 bilyong piso sa NGO), Juan Ponce Enrile, (641.65 milyong piso), Jinggoy Estrada (585 milyong piso), Bongbong Marcos (100 milyong piso) at Gringo Honasan (15 milyong piso).

Ang mga nasangkot na kinatawan ayon as media ay kinabibilangan nina Rizalina Seachon-Lanete (137 milyong piso), Edgard Valdez, Rodolfo Plaza (81 milyong piso), Samuel Dangwa (62 milyong piso), Erwin Chiongbian.

Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp. (Wikipedia)

 

Click to rate this post!
[Total: 8 Average: 4.5]

MILLION PEOPLE ‘S MARCH AGAINST PORK BARREL MATAGUMPAY!

TAKING CHANCES IN ITALY…