in

Ano at sino ang maaaring humiling ng assegno familiare?

Magandang araw po, nais kong malaman kung maaaring humiling ng ‘family allowance’ (o assegno familiare) ang isang colf. Maraming salamat po.

altAng Benefit

Ang benefit o allowance o assegno familiar bilang tulong sa pamilya ay ibinibigay sa pamamagitan ng INPS para sa kapakinabangan ng mga miyembro ng pamilya ng mga empleyado. Sa website ng INPS (www.inps.it) ay matatagpuan ang lahat ng mga kinakailangang impormasyon upang humiling tulad ng nasabing tulong, at mga forms ng application upang gawin ang request.

Sino ang dapat makatanggap nito?

Ang benepisyo, bukod sa mga mamamayang Italyano ay matatanggap din ng mga manggagawang dayuhan na regular sa trabaho, para sa mga miyembro ng pamilya. Bilang miyembro ng pamilya ay nangangahulugang: asawa (kung hindi separated o divorced), mga anak na menor de edad at mga anak na may sapat na edad ngunit may kapansanan, mga apo na minamantini ng aplikante (ngunit ang magulang ng mga bata ay walang trabaho), mga kapatid ng aplikante (ngunit ulila na sa mga magulang at hindi tumatanggap ng anumang uri ng pensyon sa pagiging ulila ng mga ito).

Ang mga miyembro ng pamilya ng non-EU nationals ay dapat na residente sa Italya, maliban na lamang sa pagkakaroon ng ‘kasunduan’ sa pagitan ng sariling bansa at ng Italya, na nagbibigay ng pagkakataon upang humiling ng benepisyo para sa kapamilyang residente sa ibang bansa. Bukod sa mga bansa ng EU, ang mga bansang may kasalukuyang kasunduan ay ang mga sumusunod: Cape Verde, ang estado ng dating Yugoslavia, Liechtenstein, Monaco, Republic of San Marino, Switzerland, Tunisia (maximum na 4 mga bata).

Ang Income
 

Para sa domestic workers, ang benepisyo ay  maaaring ipaglakoob sa mga taong mayroong kita na mas mababa sa halagang itinalaga ng batas para sa pamilya. Ang kalkulasyon ng kinikita, bilang isang kondisyon para makuha ang benepisyo ay ayon sa kita ng aplikante kasama ang kita ng ilang miyembro ng pamilya na bumubuo sa pamilya. Ang ibig sabihin ay ang gross income.

Hind ikabilang, para sa layunin ng request ng benepisyo ang anumang benepisyong ibinibigay ayon sa batas, tulad ng separation pay, INAIL  pensyion at iba pa…

Ang benepisyo ay ibinibigay ng INPS sa aplikante, at ito ay sa pagkakaroon ng mga kaukulang requirements, mula sa simula ng trabaho. Magmula taong 2005, ang allowance ay maaaring ipagkaloob sa asawa ng aplikante, ngunit ang mga kinakailangan o requirements upang matanggap ang benepisyo ay palaging tumutukoy sa aplikante. Ang halaga ng benepisyo ay naaayon sa mga oras ng trabaho.

Para sa mga domestic workers, ang  halaga ng benepisyo ay batay sa bilang ng oras ng trabaho, kahit na ang mga oras na ito iginawad sa maraming employer.

Sa kasong pagwawakas ng trabaho o kakulangan ng mga requirements, ang pagbibigay ng benepisyo ay hindi magpapatuloy.

Ang  Request

Ang request ay dapat na isumite online, sa pamamagitan ng website ng INPS, authenticated sa pamamagitan ng isang PIN at ang request ay gagawin online. Kung sakaling walang PIN, dapat na hilingin ito sa INPS, sa pamamgitan ng mga tanggapan nito o sa pamamagitan ng pagtawag  sa toll free number para sa mga mamamayan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ISTAT: Magiging tatlong doble ang popolasyon ng mga migrante sa taong 2065

Jan 10, deadline ng kontribusyon sa INPS