- Totoo bang ipinagbabawal ang magpunta sa mga parko?
Sa bagong DPCM ay nasasaad na ang mga mayor o alkalde ay maaaring magpasara sa mga lugar o plasa na karaniwang matao, simula alas 9 ng gabi. Gayunpaman, nananatiling may pahintulot ang mga residente at mga commercial activities.
2. Ang mga restaurants ay mananatiling bukas hanggang alas 12 ng gabi?
Ang mga restaurants, bar at ibang food service establishments ay maaaring manatiling bukas mula alas 5 hanggang alas 12 ng gabi at mula alas 6 ng hapon hanggang alas 12 ng gabi ay esklusibong para sa dine-in lamang. Bukod dito, ay hanggang maximum na 6 na katao lamang per table.
3. Maaari bang magbukas hanggang hatingabi ang mga maliliit na locale?
Maaaring magbukas hanggang alas 6 ng hapon ang mga maliliit na locale, kasama ang mga bars kung hindi posible ang dine-in.
4. Hanggang anong oras maaari ang food delivery?
Ang ganitong uri ng serbisyo ay may pahintulot hanggang alas 12 ng gabi, sa kundisyong sumusunod sa protocol at hygien and safety rules.
5. Ano ang nasasaad sa decreto ukol sa mga paaralan?
Nasasaad sa bagong dekreto na ang mga scuole superiori – licei at istituti ay maaaring bumalik sa video class. Bukod dito, ang mga klase ay pinapayuhang magsimula ng alas 9 ng umaga at magkaroon din ng afternoon class.
6. Paano naman ang elementarya, kindergarten at nursery?
Sa kasalukuyan, mananatili ang pagpasok sa mga paaralan ng mga nabanggit na grado.
7. Maaari bang magkaroon ng mga public at religious ceremonies?
Oo, sa kundisyong susunod sa protocol, gabay at limitasyon sa bilang ng mga imbitado.
8. Ang reception ba pagkatapos ng mga seremonya ay pinahihintulutan?
Walang nabanggit sa bagong dekreto. Samakatwid, ay pinahihintulutan hanggang 30 katao lamang, tulad ng nasasaad sa ikalawa sa panghuling dekreto.
9. Posible ba ang magkaroon ng private party sa loob ng mga tahanan?
Wala ring nabanggit ukol dito sa bagong dekreto at nananatili ang dating regulasyon. Ipinagbabawal ang mga private parties, sa open at close areas. At mahigpit na ipinagbibilin na huwag lalampas sa 6 na katao sa loob ng isang tahanan at ang paggamit ng mask sa mga hindi conviventi o hindi magkakasama sa iisang bahay.
10. Ano naman ang regulasyon ukol sa mga trade at convention?
May pahintulot ang mga national at international fairs o trade shows. Ang mga convention at congress ay pansamantalang suspendido rin, maliban na lamang kung mapapanatili ang social distancing.
11. Ang mga private meetings ay may pahintulot ba?
Ipinapayo na gawing online ang mga private meetings.
12. Suspendido ba ang theory at practical exam para sa pagkuha ng driver’s license?
Ang mga theory at practical exam ay maaaring magpatuloy. Sa kaso ng paglala ng sitwasyon ay maaaring magkaroon ng rescheduling ng mga exams.
13. Paano kung ang foglio rosa ay mag-expired bago magkaroon ng written exam?
Sa kasong ito, ang validity nito ay maaaring ma-extend.
14. Ano ang mga pagbabago sa sports?
Pinahihintulutan lamang ang individual at group sports, kahit contact sports, sa regional at national level lamang.
15. Ang calcetto?
Ang lahat ng non-professional group sports ay pansamantalang suspendido din. May pahintulot lamang ang individual sports.
16. Ang mga gym at swimming pools ba ay mananatiling bukas?
Ang mga gym at pools ay may 7 araw upang mag-assess sa protocol. Ang hindi susunod ay regulasyon ay ipapasara ito.
17. Ang mga ‘sagre’ o festival ba ay maaaring ganapin kung masisigurado ang social distancing?
Hindi, ang lahat ng mga pagdiriwang, kasama ang festival o sagre ay suspendido. May pahintulot lamang ang mga national at international fair, sa kundisyong susunod sa mga ipinatutupad na regulasyon. (Avv. Federica Merlo – stranieriinitalia.it)
Basahin din:
DPCM ng Oct 18, narito ang nilalaman