Ang dayuhang nakaranas ng pag-uusig sa sariling bansa ay maaaring magkaroon ng proteksyon sa Italya sa pagbibigay dito ng status bilang refugee.
Roma – Ang dayuhang nakaranas ng pag-uusig, panliligalig o sinasadyang pamiminsala sa sariling bansa ay maaaring magkaroon ng proteksyon sa Italya sa pagbibigay dito ng status bilang refugee.
Kailangang magsumite ng aplikasyon upang kilalanin ang nabanggit na status sa aplikante batay sa mga kundisyon na naghasik ng takot at sanhi ng pag-uusig na maaaring dahil sa katayuan ng lipunan tulad ng digmaan, lahing pinagmulan, kasarian, relihiyong pananampalataya, paniniwalang politikal ay nasa labas ng sariling bansa at hindi maaari, o dahil sa takot ay ayaw tanggapin ang proteksyong alok ng sariling bansa.
Sa kasong walang basehan ang pagbibigay ng status bilang refugee, kung ang aplikante ay humaharap sa malubhang panganib sa kanyang bansa, ay nakalaan ang isang partikular na proteksyon na tinatawag na protezione sussidiaria o temporary protection.
Tinutukoy ang international protection sa parehong nabanggit.
Ito ay nasasaad sa Batas ng Italya noong 1954 sa pagsasabatas ng 1951 Geneve Convention kung saan itinalaga ang mga kundisyon ng pagiging refugee, ang uri ng legal protection at uri ng tulong, karapatang dapat tanggapin ng dayuhan mula sa mga kasaping bansa at ang obligasyon ng dayuhan sa host country. Ang refugee ay tumatanggap ng tinatawag na international protection.
Tinatawag na refugees ang mga binigyan na o kinilala na ang status bilang refugee matapos tanggapin ang aplikasyon kung saan humihingi ng asylum sa bansa.
Sa pagsusuri ng aplikasyon upang ganap na maibigay ang status bilang refugee, ang pag-uusig dahil sa katayuan sa lipunan, lahing pinagmulan, kasarian, relihiyosong pananampalataya, paniniwalang politikal ay dapat na sapat na matindi at madalas maganap para ituring na labag sa mga pangunahing karapatang pantao; at ang akumulasyon ng iba’t-ibang uri ng pag-uusig ay naghatid ng malubhang epekto sa indibidwal.
Ang mga ito ay maaaring:
- pisikal at mental na karahasan, kabilang ang sekswal;
- hindi pantay na pagpapatupad ng batas at administrasyon,
- hindi makatwirang pag-uusig o panggigipit ng pulis o may disriminasyon sa hatol o pagkabilanggo
- pagtanggi sa pagbibigay ng legal na tulong, pang-aabuso sa kapangyarihan at pagpapa-ubaya sa tungkulin
- panunuya at pang-iinsulto sa kasarian o labag sa mga kabataan.