Rome, Agosto 1, 2012 – Ang tourist visa ay nagpapahintulot sa pagpasok, para sa isang maikling panahon, sa Italya at sa iba pang mga bansa ng Schengen, sa mga dayuhan na nagnanais na magbakasyon o magbiyahe bilang turista sa 90 araw.
Narito ang mga requirements:
– Recent passport photo
– passport or travel document valid for at least three months after visa expiry date
– Sapat na financial support tulad ng bank accounts, bank (fidejussione bancaria) or insurance guarantee (polizza fidejussion) atbp. as per Ministry of Interior Directive 1.3.2000.
Panahon ng pananatili |
Para sa isang tao |
Para sa 2 o higit pang katao |
mula 1 hanggang 5 araw |
€ 269,60 |
€ 212,81 complessivi |
mula 6 hanggang 10 giorni |
€ 44,93 kada araw |
€ 26,33 kada araw |
mula 11 hanggang 20 giorni |
€ 51,64 fix amount + € 25,82 kada araw |
€ 36,67 fix amount + € 22,21 kada araw |
Higit sa 20 giorni – hanggang 90 giorni |
€ 206,58 fix amount + € 118,79 kada araw |
€ 27,89 fix amount + € 17,04 kada araw |
Ang bank o insurance guarantee ay inihahayag ng nag-imbita, kung ang aplikante ay walang sapat na mapagkukunang pinansyal, upang sagutin ang anumang pangangailangan ng inimbitahan.
– back and forth plane ticket reservations
– ang proof of lodging (tourist vouchers, hotel reservations, offer of hospitality), anumang declaration of invitation mula sa isang Italyano o legal na residenteng dayuhan ay dapat na nagpapatunay ng availability ng tutuluyan at nagsasaad ng hospitality sa Italya para sa aplikante.
– documentation of socio-professional standing
– health insurance policy with a minimum coverage of €30,000 for emergency hospital and repatriation expenses
Ang application ay dapat na isinumite ng aplikante ng personal sa Embahada ng Italya sa Pilipinas na matatagpuan sa: 6th Floor, Zeta Condominium, 191 Salcedo Street, Legaspi Village, Makati City, Metro Manila
Tel.: 006328924531
Fax: 006328171436
Website: www.ambmanila.esteri.it
E-mail: visti.manila@esteri.it
Ang tourist visa ay hindi maaaring gamitin upang magtrabaho. Mahalagang tandaan na simula noong Mayo 2007 ay hindi na kailangang mag-aplay ng permit to stay para sa mga turista, ngunit nananatiling dapat ipagbigay alam sa Questura ang pagpasok ng bansang Italya sa loob ng 8 araw.
Ang sinumang mayroong permit to stay para sa turismo ay maaaring hilingin ang conversion nito sa self-employment, sa ilalim lamang ng decreto flussi.
Ang pagkakaloob ng mga entry visa para sa turismo, sa katunayan, ay malaki ang ipinagbago at naging mas malupit sa pagpapatupad ng Bossi-Fini law, kung saan nasasaad na ang pagtanggi sa pagbibigay ng permit to stay for tourism ay hindi saklaw ng karampatang Embahada/Konsulado.