in

Araw ng day off, Linggo lang ba?

Mayroon bang batas ukol sa araw ng day off ng mga caregivers? Ito ba ay palaging araw ng Linggo o ang employer ang pumipili ng araw ng weekly day off ng caregiver batay sa pangangailangan nito? 

 

 

Mainam na tandaan na sa domestic job ay isang karapatan ang isang araw ng pahinga kada linggo, o isang araw kung saan ang caregiver ay malaya sa anumang obligasyong nasasaad sa employment contract nito.   

Ang isang araw ng day off ay karapatang hindi dapat ipagkait. Sa kasong mayroong hindi inaasahang mga pagkakataon at kailangang hingin ang presensya ng caregiver sa kanyang araw ng pahinga, ay kailangang ipagkaloob ang parehong oras ng pahinga sa susunod na araw. 

Bukod dito, ang araw na ipinag-trabaho ng caregiver sa araw ng kanyang day off ay kailangang bayaran ng higit ng 60% ng kanyang sahod. Kung isang live-in naman at samakatwid ay may karapatan sa isa pang half day na off, ang oras na ipinag-trabaho sa 12 oras na day off nito ay kailangang bayaran ng higit ng 40% sa sahod nito. 

Sa halos lahat ng mga kaso ay karaniwang araw ng Linggo ang day off ngunit hindi batas ang nagtalaga nito. Batay sa kasunduan, ay maaaring magtalaga ng ibang araw ng day off ang care giver. 

 

Weekly day off, ilang oras?

Batay sa oras ng weeklay day off ay kailangang tandaan na ito ay batay kung naka-live in o hindi ang caregiver. 

  • Hindi live-in: 24 oras ng araw na itinalaga sa lettera di assunzione;
  • Live-in: 36 oras kung saan ang 24 oras ay sa araw na itinalaga ng parehong partes sa lettera di assunzione habang ang natitirang 12 oras naman ay para sa ibang araw na batay pa rin sa napagkasunduan ng dalawang partes. 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dahil sa Babae Ako, Malaya Ako

Dalawang Pinoy, arestado dahil sa shabu