Ang pagkakaroon ng bagong deadline sa pagsusumite ng aplikasyon ng Emersione o Regularization ay ipinaliwanag at nilinaw ng Ministry of Interior sa pamamagitan ng isang Circular.
Ang Circular ng Ministry of Interior ng November 17, 2020 ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon na nauugnay sa mga aplikasyon ng Emersione o Regularization na isinumite sa itinakdag deadline nito hanggang noong nakaraang August 15.
Bahagi nito ay ang pagbibigay ng bagong deadline sa pagsusumite ng mga aplikasyon mula Nov 25 hanggang Dec 31, 2020.
Ang bagong deadline ay nakalaan lamang sa mga natatanging kaso tulad ng:
- Nagbayad na ng € 500 bilang kontribusyon ngunit hindi nakapagsumite ng aplikasyon ng Regularization;
- O sa mga kasong nagkamali at ipinadala ang aplikasyon sa Inps sa halip na sa website ng Ministry of Interior.
Ang mga nabanggit na kaso ay binibigyan ng pagkakataong tapusin ang pagsusumite ng aplikasyon mula 9am ng November 25 hanggang 8pm ng December 31, 2020, sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior:
https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/Ministero/Index2
Upang mapahintulutan na masagutan ang application forms EM-DOM_2020 at EM-SUB_2020, ay dapat ilagay ang mga data na ginamit sa pagbabayad ng kontribusyon sa pamamagitan ng F24.
Bukod dito, ang mga aplikasyon ay maaaring isumite sa pamamagitan ng mga authorized intermediaries tulad ng partonati, CAAF, consulenti di lavoro at iba pa.
Bukod sa nabanggit ay nilinaw din ng Ministry ang mga sumusunod:
- IDONEITA’ ALLOGGIATIVA PAGKATAPOS NG CONVOCAZIONE
- AUTHORIZED PERSON SA PAGPIRMA NG CONTRATTO DI SOGGIORNO
- PERMESSO PER ATTESA OCCUPAZIONE
ni: Avv. Federica Merlo