in

Bonus trasporto, ano ito at paano mag-aplay? 

Bukod sa € 200,00 bonus na napapaloob sa Decreto Aiuti, ay nasasaad din ang € 60,00 bonus para sa public transportation o ang tinatawag na bonus trasporto.

Layunin nito ang makatulong sa mga commuters sa pagbabayad sa halaga ng mga pampublikong trasportasyon – bus, subway at tren. Ito ay dapat gamitin bago sumapit ang December 31, 2022. Narito ang mga detalye.

Ang lahat ng magpapatunay ng taunang kita na hindi lalampas sa € 35,000 ay maaaring makatanggap ng € 60,00 bonus trasporto para sa mga gastusin sa mga bus at iba pang pampublikong sasakyan. Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa angkop na website at sa petsang itatakda ng batas. Tulad sa nakaraan, posible ang pagkakaroon ng click day.  

Ang gobyerno ay naglaan ng pondo na nagkakahalaga ng 100 million euros para sa taong 2022. At ayon sa mga pagtatantya, inaasahang sasapat ang nabanggit na halaga para sa isa at kalahating milyong katao. Gayunpaman, sa kasong hindi maka-access sa bonus, posible ring ibawas sa income tax return ang 19% ng halaga ng gastusin sa public transportation at hanggang sa 250,00 para sa mga dependent na miyembro ng pamilya.

Ang € 60 na bonus ay maaaring gamitin sa pagbabayad ng bus subscription o anumang pampublikong sasakyan. Ito ay hindi maaaring mailipat sa ibang pangalan. Sa katunayan, ang pangalan ng benepisyaryo ay nakasulat sa voucher na ipapakita sa pagbabayad ng subscription. Kung sa isang pamilya ay higit sa isa katao ang gumagamit ng pampublikong sasakyan, ang bawat miyembro ay dapat gumawa ng sariling aplikasyon, sa kundisyong makakatugon sa requirement ng taunang kita o sahod. (Stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 4.3]

ISEE Ako Ay Pilipino

ISEE sa mga CAF, babayaran na

Bonus Psicologo, pirmado na ang dekreto. Narito kung paano mag-aplay.