in

Carta di soggiorno, dapat bang gawin ang ‘aggiornamento’?

Ang EC long term residence permit ay walang expiration ngunit mayroong ilang kaso kung saan ang nagmamay-ari nito ay kailangang gawin ang komunikasyon ng anumang pagbabago dito.

Ang sinumang pinagkalooban ng EC long term residence permit ay hindi na kailangang mag-apply ng renewal nito dahil ito ay isang uri ng dokumento na walang expiration o ‘’illimitato’ ngunit ito ay nagbibigay ng obligasyon sa may-ari nito na gawin ang komunikasyon ng anumang pagbabago sa mga detalye matapos ang issuance nito tulad ng pagbabago ng tirahan (cambio domicilio), civil status (stato civile), paglalagay ng pangalan ng mga ipinanganak na anak sa Italya (inserimento figli nati in Italia) o mga anak na mas bata sa 14 anyos na dumating sa bansa sa pamamagitan ng family reunification, renewal ng pasaporte, pagpapalit ng litrato o pagkawala ng nasabing dokumento.

Ang tinutukoy na komunikasyon ay ang ‘aggiornamento’ o paga-update sa naturang dokumento. Ito ay maaaring personal na gawin gamit ang kit postale o sa pamamagitan ng mga sindacati, patronati o mga asosasyon.

Ang Post Office ay magbibigay ng resibo matapos isumite ang kit at magbibigay ng petsa ng appointment o ‘convocazione’ sa Ufficio Immigrazione.

Ang unang appointment ay karaniwang sa loob ng 35-40 araw at ang ikalawang appointment naman, karaniwang makalipas ang ilang buwan) ay para sa relasing na ng updated document.

Ano ang dokumento na dapat ilakip sa kit postale para sa ‘aggiornamento’?

Ang kit postale ay kailangang naglalaman ng:

  1. Modulo1 – kailangang nasagutan at napirmahan ng may-ari;
  2. Kopya ng EC long term residence permit o carta di soggiorno;
  3. Marca da bollo na nagkakahalaga ng €16,00;
  4. Kopya ng balidong pasaporte ng may-ari o
  5. Kopya ng bagong pasaporte sa paga-update ng passport number sa dokumento ng may-ari;
  6. Birth certificate ng ipinanganak na anak sa Italya at kopya ng pasaporte kung inserimento dei figli nati in Italia.Dapat ding ilakip ang kopya ng pasaporte ng menor de edad na anak na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification. At sa finger print ay kailangang personal na kasama ang anak na menor sa Questura.
  7. Report sa pulisya o denuncia di furto at deklarasyon ukol sa identity ng may-ari nito mula sa Embahada o Konsulado sa kaso naman ng pagkawala. Ang kopya ng carta di soggiorno ay kailangan ring ilakip.

Ang pagsagot sa Modulo 1 ng kit postale ay kahintulad ng autocertificazione at sapat na bilang patunay para sa cambio domicilio/residenza.

Samantala, para magamit bilang balidong ID, ang EC long term residence permit ay kailangang updated ang litrato tuwing ikalimang taon.

Narito kung magkano ang dapat bayaran sa aggiornamento ng EC long term residence permit. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Pamamaraan ng Pagboto

Obligado ba ang dichiarazione dei redditi sa domestic job?