in

Carta Identità Elettronica, ano ang dapat gawin kapag nawala ang Pin code?

Carta Identità Elettronica

Ang electronic identity card o Carta Identità Elettronica (CIE) ay ang bagong bersyon ng lumang dokumentong papel na iniisyu ng Comune kung saan residente sa Italya. Ito ay may parehong format ng isang ATM, at ginawan nang mataas na antas ng seguridad upang maiwasang palsipikahin ang dokumento.

Ito ay mayroong microchip at nagtataglay ng mga personal datas ng may-ari, larawan at fingerprint na nagpapahintulot sa may-ari nito ang magkaroon ng access sa iba’t ibang serbisyo online (sa website ng Comune, para sa pagre-register sa iba’t ibang websites) dahil sa posibilidad na kilalanin gamit ang card.

Tulad ng nakaraang identity card, ito ay maaaring i-aplay sa Comune kung saan residente o sa pamamagiatn ng online booking sa website https://www.prenotazionicie.interno.gov.it/

Gayunpaman, hindi pa lahat ng mga Comune sa bansa ay nag-assess na sa pagkakaroon ng carta identità elettronica. Ipinapayo ang makipag-ugnayan sa URP ng Comune o ang konsultahin ang official website ng Comune kung saan residente.

Ang Pin at Puk ng Carta Identità Elettronica

At dahil sa security purposes, ang CIE ay mayroong dalawang code: ang PIN at ang PUK, na dapat ingatang mabuti.

Ang dalawang code ay ibinibigay sa aplikante ng dokumente sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon:

  1. Ang unang bahagi ng mga codes ay matatagpuan sa resibong papel ng aplikasyon ng CIE. 
  2. At ang ikalawang bahagi ng codes ay nasa liham kasama na ng dokumento. 

Ang Pin ay ginagamit upang magkaroon ng access sa mga online services habang ang Puk naman ay ginagamit sa kasong ma-block ang Pin. Ito ay nangyayari matapos ang tatlong beses na maling paglalagay ng pin code. Ang Puk ay naba-block din, partikular matapos ang 10 beses na paglalagay nito ng mali, na magreresulta din sa pag-block na ng identity card. Sa kasong ito, kailangang humingi ng mga panibagong code.

Sa kasong mawala ang Pin at Puk

Sa kaso naman ng pagkawala ng mga Pin at Puk ay posibleng hilingin ng personal sa alinmang Comune na muling mag-print ng mga codes. Samakatwid, ang mga codes ay mananatiling katulad noong una.

(ni: Atty. Federica Merlo, para sa Stranieriinitalia)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Mga bagong regulasyon, pinag-aaralan para sa buwan ng Hunyo

Ilang katao sa pribadong sasakyan Ako Ay Pilipino

Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan? Ano ang nasasaad sa decreto riaperture bis?