in

Cessione di fabbricato, isa bang obligasyon?

Magandang araw po. Ako po ay isang Pilipina at nagsimulang umupa ng isang apartment kamakailan. Totoo po ba na kung ire-rehistro ang kontrata ng upa sa Agenzia dell’Entrate ay hindi na ako kinakailangang gawan ng comunicazione della cessione di fabbricato sa Questura ng may-ari ng bahay? 

Kailangang mag-ingat dahil ang comunicazione della cessione di fabbricato ay ginagawa batay sa citizenship ng dayuhan.

Ayon sa batas 131/2012, ang sinumang nagpapa-upa o nagbebenta ng ari-arian  at pagkatapos ay ginagampanan ang obligatory registration ng kontrata sa Agenzia dell’Entrate ay nagtatanggal sa obligasyong gawin ang comunicazione di cessione di fabbricato kung tumutukoy sa mamamayang Italyano o EU nationals. Ito ay nangangahulugan na hindi kailangang dalhin o ipadala sa pamamagitan ng koreo ang anumang form ng cessione di fabbricato.

Samantala, kung tumutukoy naman sa mga non-EU nationals, ang obligasyon na gawin ang comunicazione di cessione di fabbricato ay nananatili at dapat gawin sa loob ng 48 oras, matapos simulang upahan ang apartment ng mga non-EU nationals. (Artikulo 12 , Batas bilang 191/78 at art . 7 ng D. Lgs. 286/98 ) .

Bukod dito, ang cessione del fabbricato na ginagawa para sa non-EU nationals ay isang uri ng dokumento na nagpapatunay ng pagkakaroon ng isang tahanan na pangunahing requirements sa releasing o renewal ng permit to stay.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Sportsfest ng Fraternità Filippina Messina, matagumpay!

Permesso di soggiorno per lavoro stagionale, posibleng i-convert sa lavoro subordinato?