Ako ay nagta-trabaho bilang colf at wala akong dichiarazione del reddito at kahit CUD. Anong klase po ng dokumento ang maaari kong ilakip sa aplikasyon ng citizenship upang mapatunayan ang aking sahod?
Enero 10, 2014 – Sa pagsusumite ng aplikasyon para sa italian citizenship for residency, batay sa artikolo 9 ng batas bilang 91/92, ang dayuhan ay kailangang mapatunayan ang pagkakaroon ng tatlong taong minimum salary bago ang petsa ng pagsusumite ng aplikasyon (Nobyembre 22, 1994 ng Ministry of Interior).
Ang kinakailangang halaga ng sahod sa pagsusumite ng aplikasyon para sa citizenship ay hindi maaaring mas mababa sa minimum amount required para sa exemption sa health expenses na katumbas ng € 8.500 bawat indibidwal. Kung ang aplikante ay hindi aabot sa itinalagang halaga ng batas, ay maaaring idagdag ang sahod ng miyembro ng pamilya, ngunit sa puntong ito ang minimum amount required ay €11.500 atpara sa bawat dependent child ay kailangang idagdag ang halagang €550.
Ang sinumang namamasukan bilang kasambahay o colf, ay maaaring matugunan ang requirements na ito sa pamamagitan ng Estratto Conto contributivo buhat sa Inps. Ito ay isang uri ng dokumento kung saan makikita ang lahat ng kontribusyong naihulog para sa worker anong uri man ng trabaho o kontrata sa nakaraan. Sa estratto conto ay makikita ang personal datas ng worker, ang petsa kung para kalian ang inihulog na kontribusyon at lahat ng mahahalagang impormasyon kaugnayan sa pagbabayad ng social security .
Maaaring magkaroon ng kopya nito sa pamamagitan ng website ng Inps, sezione di servizi per il cittadino, gamit ang personal pin buhat sa tanggapan ng Inps. Maaari ring tumawag sa toll free number 803164 o sa landline ng tanggapan 06164164 buhat sa mga cellular phones. Maaari ring magtungo sa mga Patronato sa tulong mga kwalipikadong operators.