in

Colf, anong buwis ang dapat bayaran? 

Ako ay Pilipino

Kahit ang mga colf, caregivers at babysitters ay kailangang magbayad ng buwis o ang tinatawag na ‘imposte’. Narito kung anu-anong mga buwis ang kailangang bayaran ng mga domestic workers sa Italya. 

Katulad ng lahat ng mga workers, kahit ang mga domestic workers ay kailangang magbayad ng buwis, ngunit kadalasan ay nagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan ukol dito. 

Ang mga buwis na dapat bayaran ng mga domestic workers sa Italya

Para sa mga lavoratori dipendenti ang employer ang nagbabayad ng mga buwis para sa worker at ito ay kinakaltas na lamang mula sa sahod ng worker. Ang mga halagang kinaltas ay makikita sa buwanang busta paga. Dahil dito ang employer ay tinatawag na ‘sostituto d’imposta’ dahil ang employer ang nagbabayad ng buwis para sa worker mula sa sahod nito. 

Ngunit sa domestic job, ang mga domestic workers mismo ang kailangang magbayad ng kanyang sariling buwis. Maliban sa mailiit na bahagi ng kontribusyon sa Inps na dapat bayaran ng colf. Ang halagang ito ay batay sa oras ng trabaho ng colf at karaniwang € 0.36 hanggang € 0.49 kada oras ng trabaho. Ang halagang ito ay karaniwang binabayan ng employer at kinakaltas na lamang sa sahod ng worker. 

Ang unang hakbang upang malaman kung anong buwis ang dapat bayaran ng mga colf ay sa pamamagitan ng paggawa ng Dichiarazione dei Redditi: 730 o Redditi PF (Redditi Persone Fisiche, ang dating Unico). 

Sa pamamagitan ng mga nabanggit, ang domestic workers ay nagbabayad ng:

  • Irpef o ang buwis sa personal na kita o sahod sa nagdaang taon;
  • Addizionali regionali (municipal surcharges);
  • Addizionali comunali (regional surcharges).

Ipinapaalala na sa paggawa ng dichirazione dei redditi, ay kakailanganin ang Certificazione Unica na karaniwang ibinibigay ng employer simula March 17. 

Bukod dito, ipinapaalala din na sa domestic job, ang mga colf, caregivers at babysitters ay may obligasyon sa paggawa ng dichiarazione dei redditi, kung ang sahod ay lampas sa € 8000.00 sa nakaraang taon. (PGA)

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4]

Pagtatanggal ng mga Covid restrictions sa Italya, magsisimula sa April 1 

Inps contact center Ako Ay Pilipino

Anu-ano ang mga contact number ng Inps?