Una sa lahat, ipinapaalala na ang domestic job ay nasasakop ng Contratto Collettivo Nazionale, isang uri ng dokumento na nilagdaan ng mga organisasyong kumakatawan at tumatayo para sa interes ng mga employers at workers. Ang mga kategorya o sektor na mahalaga sa national level, kasama ang domestic sector, ay nagtatalaga ng angkop na collective contract.
Samakatwid, ang collective contract ay ang pangunahing sanggunian sa regulasyon ng domestic job.
Sa kaso ng hindi pagpapasahod sa employer, hindi pagkilala sa mga karapatan tulad ng ferie, oras ng pahinga o ibang problema, ang worker ay maaaring ipaglaban ang kanyang karapatan sa pamamagitan ng paglapit sa labor union o ang tinatawag na ‘sindacato‘, na ang tungkulin ay proteksyunan ang mga manggagawa, at samakatwid, protektahan din ang karapatan ng mga domestic workers, sakaling magkaroon ng ‘vertenza’ laban sa employer.
Sa tulong ng labor union ay posibleng i-verify halimbawa, kung nasusunod ang antas o lebel, ang sahod na nasasaad sa CNL, kung nabayaran ang mga kontribusyon, at iba pang kwestyon na ukol sa trabaho.
Paano ipagtatanggol ng colf ang sarili laban sa employer:
Una sa lahat, tandaan na mayroong first phase, na tinatawag na ‘conciliazione’ o ang pag-aareglo, na naglalayong makahanap ng solusyon sa pagitan ng dalawang partido (empleyado at employer).
Kung, sa kabilang banda, ay hindi umabot sa isang kasunduan, kakailanganing magpatuloy sa hudisyal na paraan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Giudice del lavoro. (Atty. Federica Merlo)