in

Contratto indeterminato, obligado sa pag-aaplay ng EC long term residence permit?

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Mayroon akong contratto determinato. Maaari ba akong mag-apply ng EC long term residence permit o carta di soggiorno? O kailangan ko muna ang magkaroon ng contratto indeterminato? 

 

Sa pag-aaplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno ay hindi kinakailangan ang pagkakaroon ng contratto indeterminato, at samakatwid kahit ang mga mayroong contratto determinato lamang ay maaaring mag-aplay ng nabanggit na dokumento.

Maraming beses na ang hukuman ay nilinaw na ang releasing ng ganitong uri ng dokumento ay hindi nangangailangan ng partikular na uri ng contratto di lavoro, at dahil dito ay hindi maaaring ipagkait ang permit to stay sa dayuhan na nagtataglay ng lahat ng mga kinakailangang requirements maliban sa contratto indeterminato.

Ito ay nangangahulugan na ang dayuhan na mayroong regular na trabaho ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa EC long term residence permit o carta di soggiorno anuman ang uri ng hawak na kontrata: tempo determinato o indeterminato o maaaring self-employment halimbawa na mayroong partita IVA. Ayon sa batas, ang releasing ng nabanggit na dokumento ay para rin sa mga nakakatanggap ng pensyon.

Upang matugunan ang income requirement na nasasaad sa batas, ang aplikante ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng mapagkukunang pinansyal buhat sa legal na paraan. Ito ay tumutukoy sa unang taon bago ang aplikasyon bukod pa sa pagkakaroon rin ng sapat na sahod sa taon ng pagsusumite aplikasyon.

Para matugunan ang required income, ang aplikante ay maaaring ilakip ang kopya ng dichiarazione del reddito o ang modello CU buhat sa employer ng naunang taon. Para naman sa taon ng aplikasyon, ang aplikante ay maaaring ilakip ang mga huling buste paga, contratto di lavoro at bolletini Inps naman kung isang colf, financial statement naman buhat sa accountant o commercialista kung self-employed o anumang patunay kung pensyonado.

Ang halaga ng gross income ay kailangang katumbas o mas higit sa halaga ng assegno sociale ng taon ng aplikasyon. Sa kasong ang request ay para din sa mga miyembro ng dependents, ang halaga ng sahod ay dapat na mas mataas ng kalahati sa bawat dependent. Ito ay katulad ng required income ng family reunification.

Bilang pagtatapos, ang sinumang nais na mag-aplay ng EC long term residence permit, sa panahon ng aplikasyon ay kailangang balido ang permit to stay.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hannah, mabuti na ang kalagayan at tuluyang nagpapagaling kapiling ang mga mahal sa buhay sa Roma

ATAC at AMA, sa isang mega strike sa Roma bukas