Sa domestic job, ang mga colf, caregivers at babysitters ay may obligasyon sa paggawa ng dichiarazione dei redditi: 730 senza sostituto di imposta o modello dei redditi persone fisiche (dating modello Unico) kung ang sahod mula sa lavoro dipendente ay lampas sa € 8000.00 noong nakaraang taon.
Bukod dito, mahalaga din pagkakaroon ng dichiarazione dei redditi sa kasong:
- Higit sa isa ang rapporto di lavoro at samakatwid ay higit sa isa ang Certificazione Unica;
- Sakaling nais mag-aplay ng italian citizenship by residency, o kahit sa pagkakaroon ng EC long term residence permit.
Ang 730 ay senza sostituto di imposta dahil ang employer sa domestic job ay hindi kumakatawan bilang sostituto d’imposta o witholding agent at samakatwid ay hindi maaaring ipagbayad ng buwis ang worker sa pamamagitan ng pagkaltas nito sa sahod ng worker.
Samantala, ang mga workers naman na hindi lalampas sa € 8000 ang sahod sa nakaraang taon ay pinahihintulutan pa rin ang gumawa ng dichiarazione redditi upang matanggap ang anumang refund mula deduction ng mga carried na anak, health expenses at iba pa.
Para magawa ang dichiarazione dei redditi sa domestic job, ang mga employer ay kailangang magbigay ng Certificazione Unica o CU, ang sertipiko kung saan nasasaad ang kabuuang sahod na tinaggap ng worker sa naunang taon. Ang dating CUD ay isang dokumento na nagpapatunay sa kabuuang halaga ng sahod na ibinigay ng employer sa kanyang worker.
Kailan dapat gawin ang Dichiarazione dei redditi
Ang dichiarazione dei redditi ay kailangang gawin ng colf at badante hanggang September 30, 2021 upang matanggap ang anumang tax refund ng 730.
Upang matanggap ang credito irpef sa taong 2021 ng mga colf at caregivers mula sa Agenzia dell’Entrate direkta sa bank account sa buwan ng Disyembre 2021 ay kailangang ipadala ang 730 senza sostituo, hanggang September 30, 2021.
Ang rimborso irpef ay matatanggap sa buwan ng December 2021, kung ang colf o caregivers ay ibinigay ng tama ang bank o postal details o IBAN sa Agenzia delle Entrate, o hanggang katapusan ng March 2022, sa pamamagitan ng ‘mandato postale’.
Bilang alternatiba sa 730 senza sostituto di imposta, ay maaaring gawin ang hanggang November 30, 2021 ang Modello Ex Unico. Sa pamamagitan nito, ang rimborso irpef ay matatanggap sa loob ng 18 buwan mula sa petsa ng pagpapadala ng ex Unico. (PGA)
Basahin din:
- Ang Certificazione Unica para sa Dichiarazione dei Redditi ng mga colf? Ano ito?
- Colf, mamumultahan ba kung hindi gumawa ng Dichiarazione dei Redditi?