in

Dichiarazione dei redditi sa domestic job: modello 730/2022 o modello Redditi Pf? 

Isang obligasyon ang Dichiarazione dei Redditi para sa domestic job – colf, caregivers at babysitters – maliban na lamang sa mga kumita ng mas mababa sa halagang € 8.000,00. Sa katunayan, sa sektor na ito, ang employer ay hindi kumakatawan bilang sostituto d’imposta (o withholding agent) at dahil dito ang domestic worker ang nagbabayad ng mga buwis. Samakatwid sa pamamagitan ng Dichirazione dei redditi ay kinakalkula ang buwis (debito) o tax refund (credito) batay sa halagang kinita sa naunang taon. 

Dichiarazione dei redditi sa domestic job: modello 730/2022 o modello Redditi Pf? 

Ang mga domestic workers ay maaaring pumili: modello 730/2022 o modello Redditi Pf. Ang parehong nabanggit ay parehong maaaring gamitin sa kawalan ng sostituto d’imposta. 

Ang tanging pagkakaiba ay mas mabilis na matanggap ang tax refund o credito para sa 730/2022, dahil ito ay nagsimula noong May 23 at may panahon hanggang Setyembre 30 para sa pagpapadala nito. Habang ang deadline para sa modelo Reddti Pf ay sa Novembre 30, 2022.

Anu-ano ang mga kinakailangan para sa dichiarazione dei redditi sa domestic job? 

May mga dokumentong kinakailangan para sa dichiarazione dei redditi. Una na dito ang Certificazione Unica – mula sa employer – kung saan nasasaad ang halagang natanggap na naunang taon.

Sa pagkakaroon ng higit sa isang employer, bawat employer ay dapat magbigay sa worker ng CU. 

Kakailanganin din ang mga dokumentasyon para sa mga ‘familiari a carico’ o dependent na miyembro ng pamilya – partikular ang dokumento at codice fiscale o tessera sanitaria. 

Detrazione sa domestic job 

Sa pamamagitan din ng dichirazione dei redditi, ay ibabawas din ang mga tinatawag na deduzioni at detrazioniTulad ng ibinibigay sa ibang lavoratori dipendenti, kahit ang mga colf at caregivers ay may karapatan sa tinatawag na ‘detrazione’. € 1.880,00 ang maximum na halaga nito, para sa Non taxable income (€ 8.000,00) at ito ay bumababa sa pagtaas ng sahod o kita. 

Ang mga pangunahing gastusin para sa detrazione Irpef ng 19% ay ang mga sumusunod: 

  • spese sanitarie, ma solo per la parte che eccede la franchigia di 129 euro;
  • spese mediche e sanitarie per persone con disabilità;
  • spese veterinarie;
  • spese per l’acquisto di cani guida;
  • interessi passivi del mutuo per chi ha comprato l’abitazione principale o altre tipologie di immobili;
  • spese sostenute per pagare l’affitto;
  • spese scolastiche;
  • spese per la frequenza di università pubbliche o private;
  • spese per l’abbonamento ai mezzi pubblici;
  • spese sostenute per studenti con DSA;
  • spese per l’assistenza personale di anziani o persone affette da disabilità;
  • spese per le attività sportive dei figli;
  • spese per l’asilo nido;
  • spese funebri;
  • spese per intermediazione immobiliare;
  • spese per canoni di locazione sostenute da studenti universitari fuori sede;
  • premi per assicurazioni per rischio di non autosufficienza;
  • erogazioni liberali alle società ed associazioni sportive dilettantistiche;
  • contributi associativi alle società di mutuo soccorso;
  • spese relative ai contributi versati per il riscatto degli anni di laurea dei familiari a carico;
  • premi per assicurazioni per il rischio di eventi calamitosi.

Ang tanging kundisyon upang ang mga nabanggit sa itaas ay magamit sa detrazione ay ang pagiging traceable ng payment ng mga ito. Samakatwid, sa pamamagitan ng bank transfer o bancomat. Ito ay hindi naman kailangan sa pagbili ng gamot, medical devices o pagbabayad ng health services mula sa public o private facilities na-accredited ng SSN. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus € 200 para sa mga colf at caregivers, ang paglilinaw ng Inps 

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Bonus € 200, ano ang requirement para sa mga tumatanggap ng RdC?