in

Dichiarazione di ospitalità, ano ito at bakit ito mahalaga? 

Ang Dichiarazione di Ospitalità ay isang mahalagang dokumento na dapat gawin tuwing magbibigay ng accomodation sa dayuhan, kahit miyembro ng pamilya o kamag-anak – anuman ang dahilan. 

Ito ay dapat gawin sa Questura (na kinasasakupan ng tirahan), gamit ang angkop na form, sa loob ng 48 oras mula sa oras ng pagbibigay ng tirahan o accomodation, bilang bisita o bilang kasama sa bahay. Ito ay isang obligasyon na nasasaad sa artikulo 7 ng Batas 286/98. Sa kaso ng hindi pagsunod sa nabanggit na obligasyon ay papatawan ng multa na nagkakahalaga mula sa € 160,00 hanggang € 1100,00. 

Ang dichiarazione di ospitalità ay dokumentong nagpapatunay sa tirahan ng mga non-Europeans sa bansa at ito ay karaniwang hinihingi para sa issuance at renewal ng permesso di soggiorno. Kaya’t ipinapayo ang pagtatabi sa kopya nito matapos timbruhan ng tanggapan ng Public Security. Ito ay hindi ginagawa sa pagbibigay accomodation sa mga Europeans. 

Mga kailangang dokumento: 

  • Balidong dokumento ng declarant;
  • Balidong dokumento ng dayuhang bisita;
  • Dokumento ng tirahan: atto di proprietà, contratto di locazione, contratto di comodato uso at iba pa

Dichiarazione di Ospitalità at Cessione fabbricato, ano ang pagkakaiba? 

Ang regulasyon sa paggamit ng Dichiarazione di Cessione fabbricato ay may pangkalahatang bisa. Ibig sabihin, ito ay nagbibigay obligasyon sa nagpapatira.

Samantala, ang regulasyon ng Dichiarazione di ospitalità ay tumutukoy naman partikular sa pagpapatira o pagbibigay ng accomodation sa mga dayuhan at mga stateless. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto flussi at Ricongiungimento familiare, may bagong website

WHO, nag-iingat sa fourth dose ng bakuna kontra Covid19 para sa buong populasyon