in

Domestic workers, may karapatang makatanggap ng unemployment allowance?

May karapatan ba ang mga domestic workers unemployment allowance o indennità di disoccupazione? Anu-ano ang mga kundisyon?

 

 

 

 


Mayo 14,  2015 – Ang mga domestic workers o colf, babysitters at caregivers, tulad ng ilang mga workers ay may karapatang makatanggap ng tulong pinanasyal buhat sa Inps. Ang mga kontribusyong binabayaran ng mga employer sa Inps, sa katunayan, ay nagpapahintulot sa mga kasambahay ang makapag-aplay sa mga benepisyo, kung nagtataglay ng lahat ng mga kundisyong hinihingi ng batas.  

Ang mga colf at caregivers ay may karapatang mag-aplay sa mga benepisyo sa insurance (prestazioni assicurative) tulad ng family allowance  (assegno per il nucleo familiare), unemployment allowance (indennità di disoccupazione), maternity allowance (indennità di maternità), tuberculosis allowance (indennità antitubercolosi) at thermal treatment (le cure termali).

Bukod dito, mayroon din silang karapatang makatanggap ng mga benepisyo sa pensiyon tulad ng disability pension (assegno di invalidità), retirement pension (pensione di anzianità), inability pension (pensione di inabilità), survivor’s benefit (pensione ai superstiti o di reversibilità).

Ngayong malinaw na kung saang serbisyo may access ang mga domestic workers, mahalagang alamin ang mga kundisyon lalong higit ang ukol sa unemployment allowance.

Kung ang manggagawa ay tinanggal sa trabaho (licenziato) o nag resign dahil sa tamang dahilan (dimesso per giusta causa), tulad ng hindi pagbabayad ng employer ng suweldong napagkasunduan, ay maaaring mag-aplay ng unemployment allowance. Kung ang colf ay nagbitiw sa trabaho dahil sa personal na dahilan ay walang anumang karapatan sa unemployment allowance.

Ang unang hakbang na dapat gawin ay ang magtungo sa Employment Center (Centro per l’Impiego) para gawin ang “immediate availability declaration“la dichiarazione di immediata disponibilità”, na awtomatikong nagtatalaga sa aktwal na katayuan ng walang trabaho.

Ang deklarasyong ito ay mahalaga sa domestic job na may permit to stay para sa trabaho, sa pagkakataong hindi makakakita ng panibagong trabaho bago matapos ang validity ng nabanggit na dokumento. Ang pagkakaroon ng deklarasyong ito ay magpapahintulot sa walang trabaho ang makapag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione ng walang anumang problema.

Bukod sa deklarasyon sa Employment Center, ay ipinapayong suriin ang kontribusyong ibinayad ng employer sa Inps. Sa tulong ng mga patronati, o sa pagkakaroon ng PIN buhat sa Inps, ay posibleng malaman ang katayuan ng kontribusyon sa pamamagitan ng “estratto conto contributivo”.

Lahat ng benepisyo buhat sa Inps, sa katunayan, ay ibinibigay kung ang kontribusyon ay nabayaran lamang sa angkop na panahong itinalaga ng batas, kahit pa ito ay binayaran ng iba’t ibang mga employer.

Para sa unemployment allowance ay kailangang nabayaran ang hindi bababà sa 13 linggong kontribusyon, sa huling 4 na taon.

Bukod dito, ang aplikante ay kailangang nag-trabaho ng hindi bababa sa tatlumpung (30) araw sa labindalawang (12)  buwan bago mawalan ng trabaho.

Samakatwid, kung ang worker ay nawalan ng trabaho, gumawa ng deklarasyon sa Employment center, may sapat na kontribusyon tulad ng hinihingi ng batas, ay maaaring makatanggap ng unemployment allowance na simula May 1 ay tinatawag na NASPI (Nuova prestazione di Assicurazione Sociale per l’Impiego).

Samantala, ang mga nawalan ng trabaho bago ang nabanggit na petsa, ay magpapatuloy sa pagtanggap ng unemployment allowance na tinatawag na AspI e miniAspI.

Maaaring isumite ang application sa Inps sa iba't ibang paraan:

– Online, sa pamamagitan ng website www.inps.it, kung mayroong PIN;

– Patronato (na libreng nagbibigay ng serbisyo at tulong)

– Contact Center ng Inps

Upang makatanggap ng allowance ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa loob ng 60 araw mula sa araw ng unemployment.

Ang aplikasyon na isusumite makalipas ang panahong nabanggit ay magtatanggal sa karapatang matanggap ang unemployment allowance.

ni: Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay

Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa unemployment allowance sa Italya? Bisitahin lamang Migreat.com, ang aming sister website, para sa inyong mga katanungan.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Online application ng citizenship, narito ang mga pagbabago mula sa May 18

Barangay Pook Agoncillo at SIGLAKAS Club Italia, nagdiwang ng piyesta