in

€150 bonus, matatanggap din ba ng mga colf na nakatanggap ng €200 bonus? 

Ang mga domestic worker ay kabilang din sa mga benepisyaryo ng € 150,00 bonus ng decreto Aiuti ter. Matatandaang natanggap din ng mga colf at caregivers ang €200 bonus mula sa unang decreto Aiuti. 

Upang matanggap ang huling nabanggit, bukod sa mga requirements, ay kinakailangan ding gawin ang aplikasyon hanggang sa itinakdang deadline nito. Kailangan ding tukuyin ang paraan ng pagtanggap ng bonus – bank transfer o postal passbook sa pamamagitan ng IBAN, o domiciled bank transfer na kukuning cash sa post office.

Para sa €150 bonus, ang mga colf ay HINDI na kailangang mag-apply. Sa katunayan, ayon sa probisyon ng talata 8 art. 19 ng Aiuti ter decree, ang € 150 bonus ay awtomatikong ibibigay ng INPS sa mga colf na benepisyaryo na ng € 200 bonus.

Samakatwid, ang mga aplikante ng €200 bonus ay HINDI na kailangang mag-aplay pa. Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga colf na nag-aplay at nakatanggang ng €200 ay makakatanggap din ng €150,00. Ito ay dahil mayroong ibang requirements ang €150 bonus.

Requirements ng €150 bonus para sa mga colf at caregivers

Ang unang pagkakaiba ay ang salary requirement. 

Kung ang €200 bonus ay natanggap ng mga colf na mayroong personal salary na hindi lalampas sa €35,000, para sa €150 bonus ang salary requirement ay HINDI hihigit sa €20,000. 

Samakatwid, ang mga nag-aplay at nakatanggap ng €200 bonus na ang personal salary ay HINDI lalampas € 20,000 ay AWTOMATIKONG matatanggap ang €150 bonus. Samantala, ang mga nag-aplay at nakatanggap ng €200 bonus na ang personal salary ay higit sa €20,000 ay HINDI MAKAKATANGGAP ng €150 bonus. 

Isa pang requirement ng €150 bonus para sa mga colf at caregivers ay ang pagkakaroon ng isa o higit pang employment contract sa petsa ng Sept 24, 2022. Samakatwid, ang mga colf at caregivers na nakatanggap ng €200 bonus at sa petsang nabanggit ay walang anumang kontrata ay HINDI matatanggap ang bonus. 

€150 bonus paano matatanggap?

Matatanggap ang € 150 bonus sa parehong paraang pinili sa pag-aaplay ng € 200 bonus. 

Gayunpaman, sa pagkakataong nagpalit ng bangko at samakatwid ng IBAN, ito ay kailangang ipagbigay alam sa INPS, kung hindi ay nanganganib na hindi matanggap ang tulong pinansyal.

Nilinaw sa Circular no. 127 ng November 16, 2022 ng Inps ang dapat gawin sakaling nagpalit ng IBAN. Kailangang maka-access sa aplikasyon ng €200 bonus at doon baguhin ang IBAN o ang paraan ng pagtanggap ng bonus. Para maka-access, ipinapaalala na ito ay sa pamamagitan ng digitan identity o SPID, CIE (Carta Identità Elettronica) o CNS (Carta Nazionale Servizi). (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 13 Average: 3.6]

Request for Inspection form, inilathala ng Ispettorato del Lavoro sa iba’t ibang wika

Ilang rehiyon sa Italya, itinaas sa Red Alert