Ang proseso ng releasing at renewal ng mga permesso di soggiorno sa Italya ay posibleng magtagal nang higit pa sa itinalaga ng batas na 60 araw.
Dahil dito, ang mamamayang dayuhan na nagsumite ng aplikasyon para sa first issuance o para sa renewal ng permesso di soggiorno sa pamamagitan ng kit postale at naghihintay ng resulta nito ay marahil nagtatanong kung maaaring makapag-trabaho at maging regular sa kawalan ng balidong permesso di soggiorno.
Nasasaad sa Ministerial Circular (bilang 67/2000 at 5 Agosto 2006) ang dayuhan na expired ang permesso di soggiorno ay maaaring magpatuloy mag-trabaho, sa kundisyong ang aplikasyon para sa renewal ng permesso di soggiorno ay naisumite 60 araw bago ang expiration date ng nasabing dokumento. Samakatwid, ito ay kinikilala bilang karapatan ng mga manggagawang dayuhan.
Samantala, para sa mga dayhang naghihintay ng first re leasing ng permesso di soggiorno, matapos pumasok sa Italya sa pamamagitan ng nulla osta at entry visa,ay kinikilala, ayon sa Directive ng Feb 20, 2007 ng Ministry of Interior, ang karapatang makapag-trabaho ng panahong pinoproseso ang dokumento, o mula sa aplikasyon hanggang sa releasing ng dokumento.
Gayunpaman, upang makapagtrabaho gamit ang resibo bilang patunay ng request ng permesso di soggiorno ay kailangang:
- ang dayuhan ay kailangang magtungo sa Sportello Unico Immigrazione sa loob ng walong (8) araw mula sa pagdating sa Italya at gawin ang aplikasyon para sa permesso di soggiorno;
- kailangang pirmahan ang contratto di soggiorno;
- ipadala ang request para sa issuance ng permesso di soggiorno sa pamamagitan ng kit postale at dalhin palagi ang resibo nito bilang patunay. (Atty.
Ang proseso ng releasing at renewal ng mga permesso di soggiorno sa Italya ay posibleng magtagal nang higit pa sa itinalaga ng batas na 60 araw.
Dahil dito, ang mamamayang dayuhan na nagsumite ng aplikasyon para sa first issuance o para sa renewal sa pamamagitan ng kit postale at naghihintay ng resulta nito ay marahil nagtatanong kung maaaring makapag-trabaho at maging regular ito sa kawalan ng balidong permesso di soggiorno.
Nasasaad sa Ministerial Circular (bilang 67/2000 at 5 Agosto 2006) ang dayuhan na expired ang permesso di soggiorno ay maaaring magpatuloy mag-trabaho, sa kundisyong ang aplikasyon para sa renewal ng permesso di soggiorno ay naisumite 60 araw bago ang expiration date ng nasabing dokumento. Samakatwid, ito ay kinikilala bilang karapatan ng mga manggagawang dayuhan.
Samantala, para sa mga dayhang naghihintay ng first re leasing ng permesso di soggiorno, matapos pumasok sa Italya sa pamamagitan ng nulla osta at entry visa,ay kinikilala, ayon sa Directive ng Feb 20, 2007 ng Ministry of Interior, ang karapatang makapag-trabaho ng panahon ng proseoso ng dokumento, o mula sa aplikasyon hanggang sa re leasing ng dokumento.
Gayunpaman, upang makapagtrabaho gamit ang resibo bilang patunay ng request ng permesso di soggiorno ay kailangang:
- ang dayuhan ay kailangang magtungo sa Sportello Unico Immigrazione sa loob ng walong (8) araw mula sa pagdating sa Italya at gawin ang aplikasyon para sa permesso di soggiorno;
- kailangang pirmahan ang contratto di soggiorno;
- ipadala ang request para sa issuance ng permesso di soggiorno sa pamamagitan ng kit postale at dalhin palagi ang resibo nito bilang patunay.(Atty. Federica Merlo)