in

Hindi natanggap ang tredicesima? Ano ang dapat gawin?

Ano ang dapat gawin kung ang tredicesima o 13th month pay ay hindi natanggap?  

Una sa lahat ay dapat malinaw kung hanggang kailan dapat ibigay ng employer ang tredicesima. Walang petsang itinalaga ang batas ngunit mayroong mahahalagang bagay ang nasasaad sa bawat CCNL kung kailan dapat ibigay ang 13th month pay.

Sa ilang ‘contratto collettivo‘ ay nasasaad ang petsa – halimbawa sa Business CCNL ay nasasaad na dapat itong ibigay hanggang Dec 24 – habang sa iba naman ay nasasaad na hanggang bago ang araw ng Pasko. Ngunit isang bagay ang tiyak, ang 13th month pay ay kailangang ibigay sa buwan ng Disyembre.

Bawat CCNL ay mayroong takdang petsa kung hanggang kailan ang employer ay kailangang magbigay ng sahod o ng tredicesima at ang pagka-antala nito ay walang anumang parusa. Ngunit matapos ang palugit, ang employer ay maaaring bigyan ng multa, bukod pa sa halaga na dapat ibigay at interes ng pagka-antala nito.

Gayunpaman, sa kasong hindi matatanggap ang tinatawag na Christmas bonus ay ipinapayong magpadala ng registered mail sa employer kung saan ipina-follow up ito. Sa kasong walang resulta ang unang aksyon, ay maaaring lumapit sa kinasasakupang Direzione territorial del lavoro.

Sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo sa hindi pagtanggap ng 13th month pay, ang Direzione territoriale del lavoro ay tatawagan ang employer at susubukang aregluhin ang dalawang partes.

Kung hindi pa rin magtagumpay sa ikalawang pagkakataon, ay ipinapayo ang lumapit sa isang abugado para sa pagsusumite ng decreto ingiuntivo sa hukuman. Ang hukom, matapos ang pagsusuri ay magpapadala ng komunikasyon sa employer upang ibigay ang tredicesima sa loob ng 40 araw.

Ito ay may dalawang posibleng resulta: ang ibigay ng employer sa palugit na panahon ang tredicesima o ang tumanggi at lumaban ito.

Basahin rin:

Tredicesima, kailan ibinibigay at paano kinakalkula?

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto Flussi 2022-2023, ilalabas na! Narito ang mga paglilinaw

Mandatory swab test sa mga pasahero mula China, ipinatutupad sa Italya