Ang italian language test ay isa sa mga pangunahing requirement sa pag-aaplay ng EC long term residence permit o permesso per lungo soggiornanti at italian citizenship. Ang ang pagkakaiba ng italian language test sa dalawang nabanggit?
EC long term residence permit at Italian Citizenship
Ang EC long term residence permit ay isang uri ng permesso di soggiorno na ibinibigay sa aplikanteng dayuhan kung ang paninirahan sa Italya ay regular at tuluy-tuloy. Sa katunayan, ang mga dayuhan na naninirahan sa Italya na mayroong balidong permesso di soggiorno sa panahong hindi bababa sa limang taon, ay maaaring mag-aplay ng EC long term residence permit o ang permesso di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo. Ito ay kilala din sa dating tawag na carta di soggorno.
Upang magkaroon ng nabanggit na dokumento ay isa sa mga requirements ay ang kaalaman sa wikang italyano. Dahil dito, kasama sa aplikasyon ay kailangang ilakip ang sertipiko na nagpapatunay ng kaalaman sa wikang italyano.
Para sa antas ng kaalaman sa wika ay itinalaga ang A2 level ng Common European Framework of Reference for Languages (CEFR). Sa antas na ito, ang mga dayuhan ay pinatutunayan na nauunawaan at kayang gamitin ang mga pangungusap ng pangkaraniwang salita na gamit sa araw araw na pamumuhay.
Samantala, para sa italian citizenship ay kailangang mapatunayan ang kaalaman sa wikang italyano sa B1 level ng Common European Framework of Reference for Languages (CEFR). Sa lebel na ito ay pinatutunayan ng mag-aaral ang pag-aaral sa wika at naabot na ang unang lebel ng kakayahang gamitin ito sa iba’t ibang sitwasyon.
Matatandaang sa pagpapatupad ng Decreto Salvini noong 2018, ang antas na hinihingi sa pag-aaplay ng Italian citizenship ay ginawang mas mataas, ang B1. At ang requirement na ito ay nanatili sa kabila ng tuluyang pagpapawalang bisa sa decreti salvini.
Bukod sa B1 level ng wikang italyano, ay pangunahing requirement din sa aplikasyon ng Italian citizenship ang pagiging residente sa Italya ng sampung taong sunud-sunod at ang pagkakaroon ng minimum salary requirement sa loob ng tatlong taon bago ang aplikasyon nito.
Basahin din: