in

Kailan kailangan ang Police clearance mula sa Pilipinas sa pag-aaplay ng italian citizenship?

Gusto kong mag-aplay ng Italian citizenship ngunit ako po ay may alinlangan. Dumating ako sa Italya sa pamamagitan ng family reunification noong ako ay 11 anyos ngunit ako po ay naitala sa Comune noong ako ay 15 anyos na. Kakailanganin ko ba ang certificato penale, mas kilala sa NBI clearance mula sa Pilipinas?

Ang pagsusumite ng police clearance certificate mula sa sariling bansa o mula sa ibang third countries, ay kailangan kung sa pagsapit ng 14 anyos ang aplikante ay hindi pa nakatala bilang regular na residente sa Italya samakatwid ay hindi nakatala bilang residente sa anagrafe comunale bago sumapit ang ika-14 na kaarawan.

Sa katunayan, sa mga nakatala lamang bago sumapit ng 14 anyos at tuluy-tuloy na residente sa Italya, ay exempted sa pagsusumite ng police clearance mula sa sariling bansa. Parehong pamantayan ng exemption ay ipinatutupad kung ang mga anak ng mga imigrante ay ipinanganak sa Italya, lumaki sa Italya at sa pagsapit ng 18 anyos ay nais na maging ganap na mga Italyano.

Sa kasong ito, samakatwid, kung ang aplikante ay dumating sa Italya ng bata pa lamang at naitala lamang sa anagrafe matapos ang ika-14 na taong gulang ay kinakailangang isumite ang police clearance mula sa Pilipinas sa pag-aaplay ng Italian citizenship.

Ang dahilan kung bakit kinakailangan isumite ang police clearance ay dipende sa konsepto ng pagiging regular na residente. Sa Circular K.60.1 ng Setyembre 28 1993, ay nilinaw ng Ministry of Interior na itinuturing na regular na residente ang dayuhan kung nagampanan ang mga obligasyon sa pagpasok, pananatili at ang pagpapatala o iscrizione anagrafica.

Partikular, sa pagsusumite ng aplikasyon ay itinuturing na regular na residente sa Italya ang sinumang nagpatala sa iscrizione anagrifica sa Comune kung saan naninirahan matapos regular na makapasok sa bansa at magkaroon ng balidong permit to stay.

Bilang pagtatapos, balido ang police clearance mula sa sariling bansa ng anim na buwan lamang matapos iisyu ang nasabing dokumento. Ito ay dapat na legalized, translated ng Italian consulate sa sariling bansa o isang sworm statement ng Italian Civil Court.

 

Paano mag-aaplay ng NBI CLEARANCE ang mga ofws?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Insidente sa Bologna, ilang pamilyang Pilipino apektado

Nais malaman ang status ng aplikasyon ng Italian citizenship? Narito kung paano