in

Maaari bang ihabla ng undocumented worker ang employer sa hindi nito pagbibigay ng sahod?

Ngunit paano kung ang naghabla ng irregular job ay isang imigrante na walang permit to stay sa Italya? 

 

 

Ang batas sa paggawa ng Italya ay hindi nagbibigay ng parehong karapatan sa pagitan ng manggagawang regular na inempleyo at hindi regular na inempleyo. 

Ngunit paano kung ang naghabla ng irregular job ay isang imigrante na walang permit to stay sa Italya? 

Ito ay isang mapait na katotohanan na madalas na nangyayari sa bansa na nagdadala sa mga mambabatas na palawakin ang batas, partikular ang artikulo 22, talata 12 ng Batas bilang 286/98 na nagsasaad na “ang employer na mayroong dayuhang mangaggawa na walang permit to stay ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula tatlong buwan hanggang isang taon at multa na nagkakahalaga ng € 5,000 para sa bawat irregular worker”.  

Gayunpaman, ang paghahabla ng irregular job ng dayuhang walang permit to stay ay hindi maaaring maging dahilan ng regularization ng kanyang sitwasyon at hindi rin maaaring maging dahilan ng pagbibigay ng permit to stay dito maliban sa ilang kaso na pinahihintulutan ng batas na maaaring maging dahilan upang maging regular ang pananatili sa bansa tulad ng exploitation o sfruttamento. 

Sa ganitong kaso, ang artikulo 18 ng Batas bilang 286/98 ay nagpapahintulot na pagkalooban ng permesso di soggiorno per motivi di protezione sociale at samakatwid ay nagbibigay ng pagkakataon sa imigrante na magkaroon ng trabaho habang naghihintay na ganap na maging regular ang kanyang sitwasyon. 

Hindi katulad ng maraming bansa, sa Italya ang permit to stay ay kinakailangan upang maging epektibo ang kontrata at hindi dahil sa bisa nito. Ito ay nangangahulugan na ang mga imigrante ay hindi nangangailangan ng employment contract upang magkaroon ng permit to stay ngunit ang pagkakaroon ng permit to stay ay mahalaga upang ang kontrata ay maging epektibo ayon sa batas. 

Ngunit maaari bang lumapit ang dayuhang walang permit to stay sa hukom?

Ang dayuhang undocumented worker na nagta-trabaho na hindi binayaran ng employer ay maaaring maghabla ngunit dapat munang siguraduhin ang panahong ipinag-trabaho ng worker upang mahingi ang angkop na kabayaran tulad ng sahod, overtime, holidays at iba pa. 

 

source:

Portale sul permesso di Soggiorno 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Santo Padre, binigyang halaga ang mga colf sa kanyang sermon

Ang itinalagang halaga at edad sa pagtanggap ng Assegno Sociale 2018