in

Magbabakasyon sa Pilipinas kasama ang anak na menor de edad, siguraduhing angkop ang hawak na permit to stay

Nagbakasyon ako sa Pilipinas kasama ang aking 14 anyos na anak. Regular kami sa aming permit to stay ngunit sa aming paglabas ng Pilipinas ay sinabing scaduto o ‘expired’ na ang permit to stay ng aking anak at hindi sya pinahintulutang bumalik sa Italya. Ano po ang dapat gawin?

Ang lahat ng mga ipinanganak sa Italya ay awtomatikong carried o carico ng mga magulang na dayuhan. Sa kanila ay ibinibigay noon ang permesso di soggiorno ‘allegato minori’.

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, ay mayroong isang uri ng permit to stay na ibinibigay sa mga anak ng imigrante sa pagsapit ng 14 anyos. Ito ay ang tinatawag na permesso di soggirono ai ‘minori di 14 anni’. Ito ay nasasaad sa artikulo 9, 30 at 31 ng Legislative Decree n. 286/98 at mga susog nito at artikulo 16 at 17 ng DPR 394/99 at mga susog nito.

Ang ‘permesso ai minori di 14 anni’ ay iniisyu hanggang bago ipatupad ang kasalukuyang Batas ng Europa 2015-2016 na tumutukoy sa personal permit to stay para sa lahat ng mga dayuhang menor de edad.
Ayon sa batas na ito, bagaman nananatiling dependent o ‘carico’ ng magulang, ang LAHAT ng mga menor de edad na anak ng mga imigrante ay kailangang magkaroon ng individual permit to stay mula kapanganakan. Partikular, mula anim na taong gulang pataas ay kailangang magtungo sa Questura para sa finger print.

Gayunpaman, lahat ng mga menor de edad mula 14 anyos ay obligadong mayroong angkop na permesso di soggiorno lalong higit sa paglabas ng bansang Italya dahil ang kawalan ng dokumentong ito ay magiging hadlang sa muling pagbabalik sa Italya. Ang ‘allegato ai minori’ ay itinuturing na paso o expired sa pagsapit ng 14 anyos ng menor de edad. Sanhi ng hindi pagpapahintulot na muling papasukin sa Italya ang menor de edad.

Bilang solusyon ay pinapahintulutan ang menor de edad na mag-aplay ng re-entry visa sa Italian Embassy sa Pilipinas.

 

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman tungkol sa sakit na Altapresyon o Hypertension

Santacruzan sa Empoli, naidaos ng matagumpay sa ika-7 pagkakataon