in

Magkano ang dapat dalhing cash sa pagbabakasyon sa sariling bansa?

Ako po ay pauwi ng aking bansa para sa isang maikling bakasyon. Nais ko pong malaman kung magkano ang halagang aking dapat dalhin na naaayon sa batas? At ang kaukulang multa kung sakaling lumampas ako dito.

alt

Roma – Pebrero 6, 2012 – Ang batas bilang 195 noong 2008, pinatupad noong 2009 sa Europe Implementing Guidelines no. CE/1889/2005, ay nasasaad sa artikulo 3 ang sinuman papasok o lalabas ng bansa at magdadala ng cash na nagkakahalaga o higit sa 10,000 euro ay dapat maghayag ng halagang ito sa Customs. Ang obligasyon ng paghahayag ay hindi tama kung ang mga impormasyon ay mali o hindi kumpleto. "Nasasakop din nito ang mga halagang hindi cash tulad ng mga traveler’s cheque.


Layunin ng regulasyon na hadlangan ang mga pagpasok ng mga ilegal na gawaing pinansiyal, upang protektahan ang payapa, balanse at sustainable na gawaing pang-ekonomiya at maayos na takbo ng lokal na merkado. 
 


Deklarasyon o Pahayag sa Customs para sa halagang katumbas o higit sa 10,000.00 euros

Kung sakaling nais magdala ng halagang katumbas o higit sa 10,000.00 euros sa pagpasok o paglabas ng bansa ay kailangang gawin ang isang deklarasyon o pahayag sa Customs. Ang mga form para sa paggawa ng deklarasyon ay matatagpuan sa website ng Agency (www.agenziadogane.it) sa seksyon ng tips para sa mga traveler.

Ang pahayag ay maaaring ay iparating sa pamamagitan ng pagsulat nito, sa oras ng pagdaan sa Customs na nagbibigay naman ng resibo ng pagtanggap buhat sa tanggapan. Ang nagbibiyahe ay dapat mayroong dalang kopya ng deklarasyon at ng resibo ng pagkakatanggap nito. Ayon sa regulasyon ang deklarasyon ay maaaring ipadala online bago pa man dumaan sa frontier ang magbibiyahe. Ngunit sa kasalukuyan, ay wala pang pamamaraan upang ipadala ito online.

Ang parusa 

Ang hindi paggawa ng pahayag ay may kaukulang parusa. Partikular nasasaad ang pag-kumpiska ng 40% ng labis sa halagang itinakda nf Customs at Guardia di Finanza.  

Ang pagkumpiska ay upang matiyak ang pagbabayad ng multa. Nasasaad na ang multa ay mula 300 euro hanggang 40% ng halagang labis sa nakatakda.

Laban sa parusa, ay maaaring mag-apila sa Ministero ng Ekonomiya at Pananalapi sa loob ng sampung araw mula sa petsa ng pangungumpiska. Ang Ministri ng Ekonomiya at Pananalapi ay magpapasya alinsunod sa regulasyon sa loob ng animnapung araw mula sa petsa ng pagkakatanggap ng paunawa ng oposisyon at pagtutol. Kung ang pagsuway ay hindi lalampas sa 250,000.00 euro, ang paglabag ay maaaring agarang bayaran ng halaga (pinababang kabayaran) magmula € 200.00, hanggang sa 5% ng halagang higit sa limitasyon. Kung babayaran agad ang multa sa paglabag, ang salapi ay hindi kukumpiskahin. Samantala kung hindi naman, ay maaaring bayaran sa mababang halaga sa loob ng sampung araw mula sa araw ng paglabag sa Ministro ng Ekonomiya at Pananalapi sa ganitong mga kaso ang pagbabalik ng salaping kinumpiska ay sa loob ng sampung araw matapos matanggap ang katibayan sa pagbabayad ng multa.

Maaaring tanggapin mula sa Ministero ng Ekonomiya at Pananalapi ang pagbabalik ng salapi, matapos magbigay ng deposito o sa pamamagitan ng bank o insurance  guarantee sa Provincial treasurer ng halagang katumbas ng multa kasama ang kaukulang gastusin.

 

 

Sa pagtatapos ng mga pamamaraan ng pagmumulta, ang cash na kinumpiska, sa pagkakataong hindi nabawasan bilang kabayaran sa multa, ay ibabalik sa may karapatan dito sa loob ng limang taon mula sa petsa ng pagkaka-kumpiska. Anumang karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa website ng Customs (www.agenziadogane.it).


 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sama ng panahon sa bansa, patuloy!

Mga bagong halaga ng kontribusyon sa Inps para sa mga colf, caregivers at baby sitters