Matapos ang ilang extension sa validity ng mga permesso di soggiorno, noong July 31, 2021 ay nagtapos ang pinakahuling extension sa validity na ipinagkaloob ng batas ng Italya. Ito ay ipinatupad upang matugunan ang pangangailangang i-renew ang dokumentong nabanggit sa panahon ng lockdown at patuloy na krisis pangkalusugan.
Sa kawalan ng probisyon ng pagpapalawig sa kasalukuyan, ay nangangahulugang muling babalik sa normal na proseso ng renewal ang mga dokumento sa pagsapit ng expiration date nito.
Narito ang paalala ng Ministry of Labor and Social Policies sa website ng Integrazione Migranti ukol sa permesso di soggiorno na nalalapit ang expiration o expired na, matapos ang extension ng validity ng ipinagkaloob ng batas ng Italya.
Ang renewal ng permesso di soggiorno ay tumutukoy sa pag-iisyu sa dayuhang mamamayan ng bagong dokumento na ang validity ay hindi hihigit sa naunang inisyu, maliban na lamang sa ibang panahon ng validity na nasasaad sa Testo Unico n. 286/98 (TUI) at sa Implementing regulations nito (art. 5 talata 4, TUI) at sa pagsapit ng expiration ay magpapatuloy ang mga kundisyon katulad sa first issuance nito.
Paano ang renewal ng mga permesso di soggiorno?
Ginagawa ang renewal ng permesso di soggiorno sa pamamagitan ng mga post offices o ng Punong-himpilan ng Pulisya, ang Questura – batay sa uri at dahilan ng renewal ng dokumento. Ipinapayo na gawin ang renewal kahit 60 araw bago ang petsa ng expiration. Gayunpaman, sa kasong hindi masunod ang nabanggit na panahon ay walang agarang parusa. Ituturing na hindi regular ang dayuhan sa pagkakaroon ng expired na permesso di soggiorno nang higit sa 60 araw at hindi nag-aplay ng renewal nito.
Anu-ano ang mga karapatan ng dayuhang nasa renewal ang permesso di soggiorno?
Sa kaso ng renewal ng permesso di soggiorno, sa buong panahong kinakailangan ng Administrasyon upang makumpleto ang proseso ng renewal, ang dayuhan ay makakasigurado sa pagiging regular ang pananatili at pagtatrabaho sa kundisyong:
- ang request ng renewal ay ginawa ng dayuhan bago ang expiration ng dokumento o sa loob ng 60 araw makalipas ang expiration date nito;
- may resibo na nagpapatunay ng request ng renewal ng permesso di soggiorno.
Ang mga karapatang nasasaad habang hinihintay ang renawal o pag-update sa permesso di soggiorno ay nawawala lamang sa kawalan ng releasing, renewal, pagbawi o pagpapawalang bisa sa permesso di soggiorno mismo.
Sa panahon ng renewal ang dayuhan ay maaaring magpatala sa Servizio Sanitario Nazionale, mag-renew ng Carta d’Identità, gawin ang Cambio di Residenza, matanggap ang mga benepsiyo sa social security, magkaroon ng driver’s license at iba pa.
Kailan hindi maaaring i-renew ang permesso di soggiorno?
Ang permesso di soggiorno ay hindi maaaring i-renew o ma-extend kung ang pananatili sa Italya ay naputol, sa pananatili sa ibang bansa, para sa tuluy-tuloy na panahon ng higit sa 6 na buwan, o higit sa kalahati ng panahon ng validity ng permesso di soggiorno, maliban sa pagkakaroon ng mabigat na dahilan.
Ang renewal ng permesso di soggiorno ay tinatanggihan din sa kawalan ng mga requirements na itinatag ng batas para sa issuance nito.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng extension at renewal?
Sa extension, ang validity ng dating permesso di soggiorno ay napapahaba bukod sa unang itinakdang panahon. Sa renewal, ay nag-iisyu ng bagong permesso di soggiorno.