Para maitama ang maling datos sa Tessera Sanitaria ay maaaring magsumite ng request online. Ito ay ayon sa Agenzia dell’Entrate.
Paano itatama ang Tessera Sanitaria
Para mabago ang maling datos (pangalan, apelyido, codice fiscale, lugar at araw ng kapanganakan, kasarian) sa tessera sanitaria ang mga mamamayang residente ay maaaring lumapit sa Comune kung saan residente. Para sa mga mamamayang hindi residente ay maaaring gawin ang request sa anumang ahensya ng Agenzia dell’Entrate at magdala lamang ng balidong dokumento.
Para sa mga mamamayang residente at mayroong digital identity o SPID, CIE o CNS ay sapat na ang mag-log in sa website ng Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente (ANPR). Kakailanganin lamang ang ilang hakbang upang maipadala ang request sa pamamagitan ng “Rettifica dati”. Samakatwid, maaaring hilingin na baguhin o itama ang ilang partikular na impormasyon. Tukuyin lamang ang mali at tamang datos at maglakip ng dokumento na magiging kapaki-pakinabang para sa rebisyon.
Para sa mga walang digital identity o SPID, ay maaari pa ring lumapit sa mga kinauukulang tanggapan sa Munisipyo o Comune o sa Agenzia delle Entrate.
Duplicate, mahihingi na din online
Bukod sa pagtatama ng maling datos, maaari na ring magrequest ng duplicate online ng tessera sanitaria.
Sa katunayan, ipinaliwanag ng Agenzia delle Entrate ang dalawang pamamaraan.
Ang una, para sa mga mayroong card without microchip (TS), sa pamamagitan ng free access service. Sa kasong ito, ay kailangang tukuyin ang codice fiscale o ang kumpletong personal datas, kasama ang dahilan ng request of duplicate. Para sa security purposes, maaaring hingin ang ilang impormasyn ukol sa dichiarazione dei redditi.
Ang ikalawa, para sa mga mayroong card with microchip (TS/CNS), na nagpapahintulot na matanggap ang duplicate sa pamamagitan ng serbisyo sa Area Riservata ng Agenzia dell’Entrate gamit ang SPID, CIE o CNS.
Maaari ring mag-request ng tessera sanitaria sa pamamagitan ng pec o email direkta sa Agenzia dell’Entrate, gamit ang form AA4/8 lakip ang balidong dokumento. (PGA)