Sa pagpapatuloy ng emerhensyang hatid ng Covid19, pinalawig ng Cassacolf hanggang April 30, 2022 ang deadline para maka-access sa mga tulong ng ‘Covid packages’ ang mga domestic workers na mayroong regular na employment contract at nakatala sa Cassacolf (kung saan kailangan lamang ay dalawang quarter contributions na ang kabuuan ay hindi dapat mas mababa sa €8,00).
Ipinapaalala na sa kaso ng pagiging positibo ng domestic worker, ang panahon ng isolation ay katumbas ng sick levae o malattia batay sa panahon at pamamaraang itinakda ng CCNL.
Narito ang mga Covid packages:
Para sa mga domestic workers na nag-positibo sa Covid
- Daily allowance na nagkakahalaga ng € 100,00 para sa maximum na 50 araw sa kasong ma-confine sa ospital at karagdagang € 2000,00 sa kaso ng recovery sa ICU.
- Daily allowance na nagkakahalaga ng €40,00 para sa maximum na 14 na araw sa isang taon sa kaso ng home isolation at hindi kailangang i-confine sa ospital
- Daily allowance na nagkakahalaga ng € 40,00 para sa maximum na 14 araw para sa mga dependent na menor de edad na anak
- Refund hanggang € 200,00 para sa pagbili ng mga health materials
- Refund hanggang €100,00 pera sa mga home check-up ng mga duktor at nars.
Para sa mga domestic workers na naka-quarantine
- Daily allowance na nagkakahalaga ng €40,00 para sa maximum na 14 na araw dahil sa hinala ng nahawa ng Covid-19;
Tulong para sa mga magulang
- Refund hanggang € 200.00 para sa mga gastusin sa pag-aaral o serbisyo ng baby sitting para sa mga dependent o ‘a carico’ na mga anak.
Ano ang Cassacolf?
Ang Cassa Colf, bukod sa Inps at Inail, ito ay karagdagang insurance sa kaso ng aksidente ng colf at nagbibigay rin ng benepisyo sa tulad ng tulong pinansyal kung maa-admit sa ospital, refund ng mga medical expenses, free medical check-ups sa mga accredited clinics.
Sinu-sino ang mga nakatala sa Cassa Colf?
Nakatala sa Cassacolf ang lahat ng mga manggagawa at employer na sakop ng Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro Domestico o CCNL, at regular na nagbabayad ng kontribusyon na ginagawa ng employer quarterly, sa parehong kundisyon ng social security. Ayon sa CCNL, ang pagpapatala sa Cassa Colf ay isang obligasyon sa domestic job simula noong Marso 2015.
Paano babayaran ang kontribusyon sa Cassacolf?
Batay sa napiling paraan ng pagbabayad ng kontribusyon ng employer ay kailangan ding bayaran ng employer ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa Cassa Colf. (PGA)
Ipadala ang dokumantasyon sa pratichecovid@cassacolf.it