Pagkatapos maisumite ang aplikasyon ng Regularization o Emersione, ang employer ay kailangang kumpletuhin ang mga kinakailangang hakbang para gawing regular ang employment.
Ayon sa Circular ng Ministry of Interior ng May 30, 2020 mababasa:
“Matapos isumite ang aplikasyon, makikita sa website ng Ministry of Interior, ang resibo o ‘ricevuta’ na may petsa ng pagsusumite ng aplikasyon at ang codice univoco di identificazione. Ang employer ay kailangang bigyan ng kopya nito ang worker bilang katibayan ng aplikasyon na magpapahintulot sa pananatili sa bansa at sa regular na pagta-trabaho ng dayuhan”
Pagkatapos nito, ang employer ay kailangang kumpletuhin ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para gawing regular ang employment.
- Hintayin ang email di convocazione ng Prefettura, kung saan nasasaad ang lugar, araw at oras ng appointment pati ang mga dokumento na dapat dalhin sa araw ng appointment. Bukod sa Inbox, kontrolin din ang email sa Spam o Posta indesiderata.
- Sa araw ng appointment, ay kailangang personal na magpunta ang employer o ang kanyang authorized person, kasama ang worker.
- Gagawin sa araw ng appointmentang mga sumusunod: a. Pipirmahan ang contratto di soggiorno; b. Komunikasyon sa Inps ng rapporto di lavoro; k. Fill-up ng kit para sa permesso di soggiorno;
- Matapos ang convocazione, ang susunod na hakbang ay ang pagpunta sa Posta para sa pagsusumite ng kit bilang aplikasyon ng permesso di soggiorno. (PGA)