in

Nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra Covid19, maaari na bang magbiyahe sa ibang bansa?

Ako Ay Pilipino

Ayon sa pinaka-updated na ulat ng Ministry fo Health, umabot na sa 8.627.856 ang bilang ng mga nakakumpleto na ng dosis ng bakuna at 27.416.033 naman ang mga naturukan na kontra Covid19 sa Italya.

Ngunit ang tanong ng karamihan ay kung makakapagbiyahe na ba sa labas ng Italya ang mga nakatanggap ng unang dosis ng bakuna? Narito ang isang maikling gabay ng mga dapat isaalang-alang.

Maaari na bang magbiyahe sa Europa matapos ang unang dosis ng bakuna?

Para sa pagbibiyahe sa ibang bansa, partikular sa Europa kung saan nakabinbin pa ang batas ukol sa green pass ay kailangang alamin ang mga regulasyon ng bawat bansang nais puntahan. Gayunpaman, upang magkaroon ng tinatawag na green pass, kailangang makumpleto muna ang dalawang dosis ng bakuna upang ma-download ang certificate na magsisilbing ‘pass’ upang marating ang mga pangunahing bansa sa Europa. Samakatwid, ang mga nakatanggap ng isang dosis lamang ng bakuna ay katulad pa din ng mga hindi pa nababakunahan at kailangang sundin ang mga patakarang ipinatutupad para sa lahat.

Upang makapasok sa Spain ay obligadong magpakita ng isang negative result ng covid test na ginawa 72 hrs bago ang pagpasok sa bansa. Pati rin sa Greece, kung saan ang mga turista ay kailangang magsumite ng isang negative molecular test sa wikang ingles, 72 hrs bago ang pagpasok sa bansang nabanggit. May parehong regulasyon sa France ngunit inirerekomenda lamang ang mga necessary travel. Sa UK naman ay may mas mahigpit na regulasyon: negative covid test 72 hrs bago ang flight, un travel locator form at mandatory quarantine ng 10 days kung manggagaling sa bansang nasa black list, at dalawa pang test sa ikalawa at ikawalong araw ng quarantine. 

Sa Italya, ang sitwasyon ng pagbibiyahe sa ibang rehiyon ay hindi rin madali. Tanging ang mga nasa zona gialla lamang ang malayang makakapag biyahe at kinakailangan ang ‘pansamantalang green pass’ sa pagpunta sa ibang rehiyon na nasa ilalim ng ibang kulay. At ang Italya ay maga-assess sa European green pass kapag ito ay handa na. 

Ngunit ano ang mangyayari sa mga gustong magbakasyon at nakatanggap lamang ng isang dosis ng bakuna? 

Kumpirmado na ang pagkakaroon ng isang dosis lamang, sa halip na dalawa, ay hindi mabibigyan ng green pass. Samakatwid, ay kailangang sundin ang regulasyon para sa mga hindi pa bakunado.

Posible ba ang matanggap ang ikalawang doses sa ibang rehiyon ng Italya?

Ito ay isang posibilidad na pinagsusumikapan ng mga at mga gobernador upang magpatuloy ang paglulunsad sa turismo sa bansa: ang posibilidad na gawin ang ikalawang dosis sa lugar kung saan magbabakasyon. Isang bagay na wala pang linaw hanggang sa kasalukuyan

Sa halip ay pinalalawak ang vaccination campaign sa iba’t ibang rehiyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga Open day/night upang lalo pang dumami ang bilang ng mga mababakunahan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Bakuna kontra Covid19 para sa mga bata, i-donate muna sa mga mahihirap na bansa” – WHO

Lagnat matapos ang bakuna AstraZeneca? Kailan dapat mabahala?