in

Paano at kailan ginagamit ang self-certifcation?

Ako ay isang dayuhan na nakatira sa Italya at nais kong itanong kung paano at kalian ginagamit ang self-certification. Salamat po.

altRome – Enero 5, 2012 – Ang self-certification ay nagpapahintulot na legal na gumamit ng isang deklarasyon sa halip ng mga certificate.

Ang public administration, o ang mga nangangasiwa ng public services, o mga kumpanya na may serbisyong nauugnay sa transportasyon, energy supply, postal services, mga network ng telepono o kahit na pribadong kumpanya ay obligadong humingi ng self-certification ng ilang sertipiko o mga patunay na ukol sa pagkatao ng sinumang lumalapit sa mga tanggapang nabanggit.

Bukod dito, ang Testo Unico na nagtataglay ng mga patakaran ng administrative record, ang DPR 445/2000, ay nagsasaad na ang mga awtoridad at mga tagapamahala ng mga public services ay maaaring hindi na humingi ng mga certificate sa mga mamamayan sa lahat ng mga pagkakataon kung kaylan maaaring magsagawa ng deklarasyon, ng hindi lalabag sa obligasyon ng tanggapan.

Ang mga public offices, samakatuwid, ay hindi lamang hihingi ng self-certification upang malampasan ang bureaucracy, ngunit kailangang tanggapin ang self-certification, na ngayon ay isang obligasyon sa pagpapatupad ng bagong mga patakaran.

Ang self-certification ay maaaring gawin sa dalawang paraan:

Pahayag NG KAHALILI NG CERTIFICATION (Dichiarazione Sostitutiva di Certificazione): nagsasaad ng isang pahayag o deklarasyon na pirmado ng person concerned, na ginagawa bilang kapalit o kahalili ng mga sertipiko na ibinibigay ng publikong tanggapan, na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa personal na katangian at mga katotohanan na nakapaloob sa rehistro, listahan, o publikong talaan o kung hindi man ay sinuri ng isang public personnel. Dapat rin itong samahan ng kopya ng pagkakakilanlan o wastong dokumento.

Pahayag KAHALILI NG SWORN AFFIDAVIT (Dichiarazione di Atto di Notorietà) nagsasaad pa rin ng isang pahayag o deklarasyon na pinirmahan ng person concerned para sa mga impormason ukol sa personal na katangian at katotohanan, ngunit ang lagda ay dapat na gawin sa harap ng empleyado ng tanggapan o awtoridad na, sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng publiko, ay dapat kilalanin ang pirmado sa kanyang dokumento at magpatotoo sa pagiging tunay ng prima nito.

Ang parehong deklarasyon ay dapat na naglalaman ng kaukulang parusang penal sa anumang kaso ng palsipikasyon ng dokumento at mga kaso ng maling paghahayag at mga impormasyon ukol sa privacy.

Kahit na ang mga mamamayang dayuhan ay maaaring gawin ang self-certification ngunit limitado lamang sa mga nilalaman o rehistradong impormasyon na tinataglay ng public administration.

Ito ay nangangahulugan na maaaring patunayan ng mga nilalamang impormasyon ng public administration at maaaring maging kahalili ng orihinal ang self –certification o ang dichiarazione sostitutiva di atto notorio. Maari itong para sa marriage certificate, kung ang kasal ay ginanap sa bansang Italya, o ang deklarasyon ng pagkakaroon ng diploma kung buhat ito sa paaaralan sa Italya.

Hindi maaring gamitin, gayunpaman, sa pagkakaroon ng isang degree kung ito ay nakamit sa bansang pinanggalingan, o ng birth certificate kung sa ibang bansa ipinanganak.

Bawat mamamayan ay nararapat na responsable sa kung ano man ang idedeklara ukol sa sarili at ang mga awtoridad ay maaaring magsagawa ng random check upang alamin ang katotohanan at sa pagbibigay ng mali at pekeng pahayag, ay isang kasong penal at ang posibilidad na mahatulan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Winter Sale, umpisa na!

P680M para sa Metro Manila flood control projects