in

Paano kakalkulahin ang sahod o kita sa aplikasyon para sa Citizenship?

Magandang araw po. Nais ko pong isumite ang application para sa itlian citizenship  ngunit wala po akong sapat na kinikita . Ang aking asawa ay medyo mataas ang kita , maaari po bang pagsamahin ang aming mga sahod?

 


2 Setyembre 2013 – Sa Circular K.
60.1 ng 05/01/2007, ay hiniling ng Ministry of Interior sa Administration na suriin ang sahod ng aplikante base sa kita ng buong pamilya at hindi sa indibidwal na kita nito.

Nangangahulugan ito na kung ang dayuhang aplikante na mayroong minimum wage na €8.300 kada taon sa tatlong taong hinihingi ng batas, ay maaaring idagdag ang sahod ng buong pamilya, na binubuo ng asawa o magulang; ngunit sa ganitong mga kaso ang minimum ay nagiging €11.500 kung carried ang asawa at  karagdagang €550 sa bawat anak na carried o carico.

Kabilang bilang miyembro ng pamilya ang sinumang nakatala sa family composition o stato di famiglia. Ang kondisyong ito ay idinagdag upang pahintulutan ang ilang miyembro ng pamilya, na walang sapat na sahod o kita para sa aplikasyon o ang makapag sumite rin ng aplikasyon kung tunay na carried ng head of the family at nagtataglay ng ibang requirements na nasasaad sa Legge n. 91/92.

Ang halaga ng € 8.300, para sa bawat indibidwal, ay katumbas ng halagang kinakailangan para sa exemption sa mga gastusing pangkalusugan. Ang kasiguraduhan ng requirement na ito ay mahalaga sa pagsusuri ng aplikasyon para sa italian citizenship dahil ang aplikante ay dapat na nagtataglay ng sapat na halaga upang matustusan ang sariling pangangailangang pinansyal  at ang mga obligasyon sa pamumuhay mag-isa.  

Samakatwid, ang isang dayuhan na nagnanais na magsumite ng aplikasyon para sa pagkamamamayan, sa ilalim ng Artikulo 9 ng Batas 91/92 , o  per residency , ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng angkop na kita o sahod at ang regular na katuyuan sa mga obligasyon sa buwis bago pa man ang pagsusumite ng aplikasyon . Ang pagiging ganap na mamamayang italyano ay tinatanggap din ang mga tungkulin at obligasyon bilang mamamayan, kaya’t salunggat na ang bagong mamamayan ay walang sapat na pagkukunan upang matugunan ang sariling pangangailangan at ng pamilya.

Bukod dito, sa ilalim ng mga batas n . 15/2005 at n.80/2005, ang PA ay kailangang hingin sa aplikante ang pagbabago sa kita, makabubuti kung sakaling may positibong pagbabago sa sahod o kita, bago ang pagtanggi sa aplikasyon, lalong higit kung ang haba ng panahon mula sa pagsusumite hanggang sa ma-kumpleto ang requirements sa aplikasyon ay matatanggap.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Naaksidenteng Pilipino Seaman Panatag ang Kalooban sa Cagliari

Confedcomfiltoscana, may bagong pamunuan