in

Paano makakapasok sa Italya sa pamamagitan ng vocational course o stage? (Part II)

Kanino dapat makipag-ugnay para sa stage?

Ang Batas ay nagtakda ng mga promoters:

– Employment Centers (Centri per l’impiego)                                                                            alt

– Unibersidad at mga public o private institutes na nagbibigay ng diploma

– local education authority

– public centers or public vocational schools

– accredited centers ng Regione at Provincia

– comunità terapeutiche

– Cooperative na nabibilang sa official list ng Regione

– mga public center  for professional integration para sa mga disable

– non-profit private institutions

Sa stage, ang kumpanya ay obligadong ikuha ang dayuhan ng insurance, laban sa aksidente sa trabaho at para sa third party liability at maaaring hingin ang pagsasauli ng mga nagastos. Ang kumpanya ay dapat ding sagutin ang board ang lodging kung saan ang dayuhan ay manunuluyan at gaganapin ang nasabing stage at ang gagastos sa pagbabalik sa sariling bansa ng dayuhan.

Pagkapirma ng kasunduan at ng proyekto ng pagsasanay, ang promoter ay hihiling ng isang espesyal na awtorisasyon sa rehiyon, na syang mag beberipika ng kawastuhan, legalidad at katumpakan ng proyekto na may kaugnayan sa kurikulum ng dayuhan na nagnanais ng internship.
Kung ang Rehiyon ay naniniwala na aangkop ang proyekto ay lalapatan ng entry visa ang aplikante at bibigyan ng isang authenticated copy ang kumpanya.

Ang dayuhan ay dapat, sa puntong ito na magtungo sa Italian Consulate sa sariling bansa na dala ang training program na nasuri nà ng rehiyon at hingin ang isang entry visa para sa mga kadahilanang propesyonal na pagsasanay.

Sa Italya

Sa parehong mga kaso, sa sandaling nasa Italya nà, ang mga dayuhan ay dapat magtungo sa Sportello Amico ng Post Office sa loob ng 8 arawat ipadala ang Kit para sa aplikasyon ng permit to stay. Ang postal operator ay ang mag-iisyu ng registered mail na nagkukumpirma ng pagsumite ng request at ng isang komunikasyon (convocazione) ng appointment sa Questura centrale para sa issuance ng permit to stay, at pagkatapos ay ang fingerprint.

Ang Permit to Stay

Kung walang partikular na mga hadlang, tulad ng isang lumang deportasyon  para sa mga non-EU nationals sa pagbibigay ng isang mali o pekeng pangalan, ang Police ay mag-iisyu ng permit to stay para sa pag-aaral o pagsasanay katumbas ng tagal ng stage na nasasaad sa proyekto. Ang permit to stay ay nagbibigay-daan sa pagpaparehistro sa National Health Service at sa registry office. Ang nasabing permit to stay ay maaari ring mai-convert bago ang deadline nito sa isang permit to stay para sa trabaho, o self-employment sa pamamagitan ng itinakdang bilang ng ‘direct hire’.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Manggagawang migrante: underemployed ngunit overqualified

Proof of employment, a must for OFW in retirement age to OWWA’s membership