Matagal na akong naninirahan sa Italya at nais kong mag-aplay ng Permesso CE per lungo soggiornanti o dating carta di soggiorno ngunit wala akong regular na kontrata sa trabaho ng dalawang taon na. Ano ang dapat kong gawin?
Hindi kinakailangan na ang aplikante ay mayroong kontrata na ‘tempo indeterminato’ sa pagsusumite ng aplikasyon para magkaroon ng permesso CE per lungo soggiornanti (EC long term residence permit) o dating carta di soggiorno, kahit na ang mga self-employed o ang mga mayroong provisory contract (contratto determinato) o ang mga nakakatanggap ng pensyon ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa ganitong uri ng dokumento.
Para sa aplikasyon ng EC long term residence permit, ang aplikante ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng sahod mula sa legal na paraan, at hindi bababa sa halaga ng assegno sociale, sa naunang taon bago mag-aplay.
Bukod dito ay kailangan ring patunayan na noong nakaraang taon ay mayroong legal na napagkunan ng sahod, tulad ng isang kontrata sa trabaho, kahit na ‘tempo determinato’ at ang halagang natanggap ay katumbas o mas mataas sa halaga ng assegno sociale sa taon ng pag-aaplay.
Halimbawa, ang aplikante na nagsumite ng aplikasyon ng 2019, ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng sahod mula 2018 buhat sa legal na paraan. Upang ito ay mapatunayan, ay kailangang ilakip ng aplikante ang kopya ng dichiarazione di reddito na ang kabuuan ng tinanggap na sahod o kopya ng modello CU kung ang aplikante ay may isang trabaho lamang.
Upang mapatunayan, naman ang sahod ng 2019 ay maaaring ilakip ang kopya ng kontrata sa trabaho o ang kopya ng dokumentayson ng sariling negosyo kung self employed. Kung tumatanggap naman ng pensyon, ay kailangang ilakip ang dokumentasyon na nagpapatunay nito.
Ipinapaalala rin na ang EC long term residence permit o ang carta di sogigorno ay maaari ring hilingin para sa asawa at anak na menor de edad na kapisan. Sa ganitong kaso ang sahod na kinakailangan ay katulad ng halaga ng sahod para sa family reunification o ricongiungimento familiare.
PGA
Basahin rin:
Halaga ng sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno para sa taong 2019