in

Permesso di soggiorno per lavoro stagionale, maaaring i-convert sa lavoro subordinato?

Ako ay mayroong permesso di soggiorno stagionale. Ngunit nais ng aking employer na manatili na ako sa Italya ng matagalan. May posibilidad bang hindi na ako umuwi sa Pilipinas at magkaroon ng permit to stay per lavoro subordinato?

 

Abril 6, 2017 – Alinsunod sa artikulo 24, talata 4, ng batas Pambansa 286/98, ang isang seasonal worker ay maaaring mai-convert ang permit to stay mula seasonal job sa subordinate job, anuman ang uri ng kontrata – ‘determinato’ o ‘indeterminato’. Bukod dito, isang joint circular ang inilabas ng Ministry of Interior at Labor ay binigyang diin ang posibilidad ng conversion ng permit to stay mula seasonal job sa subordinate job.

Ang conversion ng nabanggit na uri ng permit to stay ay pinapayagan sa pagkakaroon ng availability sa bilang o quota ng ‘decreto flussi’ sa page-empleyo ng dayuhang manggagawa at sa pagkakaroon ng isang balido at hindi pa expired na permit to stay for seasonal job.

At ayon sa legislative decree 29 Oct 2016 bilang 203 ng decreto flussi 2017, mas pinadali na rin ang conversion ng mga permit to stay mula sa seasonal job sa sinumang mayroong job offer.

Ang aplikasyon sa conversion ay maaaring isumite makalipas ang 3 buwang pagta-trabaho bilang seasonal worker at regular na nabayaran ang kontribusyon sa Inps. Ito ay maaaring gawin sa panahon ng decreto flussi at samakatwid bago ito magtapos ng Disyembre 2017.

Ang application ay dapat na isumite online sa website ng Ministry of Interior gamit ang form VB.
Ang dokumentasyon na susunod na isusumite sa Prefecture ay ang sumusunod:
•    Revenue stamp ng € 16.00 na ginamit sa application ;
•    Revenue stamp ng € 16.00 na ilalagay sa clearance o nulla osta;
•    Permit to stay for seasonal job na balido;
•    non-seasonal job working contract;
•    kopya ng personal document ng employer;
•    balidong passport ng aplikante;
•    form Unilav di assunzione o ang kopya ng comunicazione obbligatoria di assunzione ng unang pagpasok sa Italya.

Sa kasong positibo ang kasagutan, ang Sportello Unico per l’Immigrazione ay magbibigay ng appointment para sa pagpirma ng contratto di soggiorno at para sa application ng permit to stay for subordinate job sa pamamagitan ng isang kit na ipapadala sa postal office. Ang Questura ay ibibigay ang permit to stay for subordinate job matapos tapusin ang buong prosesong kinakailangan. Ang buong prosesong nabanggit ay gagawin sa bansang Italya at hindi kinakailangan ang bumalik sa Pilipinas upang magkaroon ng entry visa for subordinate job.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga pagbabagong napapaloob sa Decreto flussi 2017

Ano ba ang tinatawag na “The Big One”?