Sa pamamagitan ng Circular ng November 17, 2020 ay nagbibigay ang Ministry of Interior ng mahahalagang impormasyon na nauugnay sa pagbibigay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione sa mga aplikante na nahinto ang proseso ng Regularization dahil hindi napirmahan ang employment contract bago ang convocazione sa Prefecture.
Pinapalawak ng Ministri ang posibilidad ng pagbibigay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione, bukod sa dalawang kaso lamang na pinahihintulutan:
- ang pagkamatay ng employer at
- ang pagkalugi ng kumpanya.
Nasasaad sa Circular na pinahihintulutan din ang ibang kaso kung saan ang proseso ng regularization ay nahinto sa kundisyong ang employer ay kailangang gawin ang mga sumusunod:
- Gawin ang komunikasyon ng pagtatapos ng employment;
- Gawin ang contratto di soggiorno para sa panahong ipinag-trabaho ng worker;
Ang manggagawa ay maaaring maisyuhan ng permesso di soggiorno per attesa occupazione ngunit susuriin muna ng Sportello Unico Immigrazione ang mga dahilan ng pagtatapos ng employment.
Para sa mga worker na hindi pa nagsisimula sa trabaho?
Ang Sportello Immigrazione, sa panahon ng convocazione, ang magsusuri sa posibleng pagi-isyu ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.
Sa kaso naman ng pagkamatay ng employer o pagkalugi ng kumpanya?
Ayon sa Ministry ay gagawin nito ang mga pagsusuri sa bawat sitwasyon para sa pagbibigay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. Sa katunayan, ang D.I. 34/2020 ay tinatanggap lamang ang pagkakaroon ng bagong employer.
Bukod sa nabanggit ay nilinaw din ng Ministry ang mga sumusunod:
- PAGBIBIGAY NG BAGONG DEADLINE SA PAGSUSUMITE NG MGA APLIKASYON MULA NOVEMBER 25 HANGGANG DECEMBER 31, 2020
- IDONEITA’ ALLOGGIATIVA PAGKATAPOS NG CONVOCAZIONE
- AUTHORIZED PERSON SA PAGPIRMA NG CONTRATTO DI SOGGIORNO
ni: Avv. Federica Merlo