in

Permesso per lungo soggiornanti, may expiration date na?

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino
permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Sa pamamagitan ng Decreto Ministeriale ng January 20, 2021, ay nagbabago ang regulasyon ukol sa mga permesso per lungo soggiornanti kung saan nasusulat ang validity na illimitato o indefinite. Sa katunayan, ito ay kilala din sa tawag na permesso di soggiorno illimitato dahil ito ay walang expiration date o indefinite ang validity nito. 

Ang mga ganitong uri ng permesso di soggiorno, na inisyu simula noong January 20, 2021, ay kailangang makatugon sa mga requirements ng European Union, at dapat na nasusulat sa bawat permesso di soggiorno ang expiration date. 

Ano ang mangyayari sa validity ng mga permesso di soggiorno per lungo soggiornanti?

Nasasaad sa bagong panuntunan na ang permesso di soggiorno per lungo soggiornanti na noon illimitato o indefinite ay makikitang nakasulat na ang validity nito na sampung (10) taon. Ito ay kailangang i-update o kailangang gawin ang aggiornamento sa expiration nito. 

Ang mga menor de edad naman ay kailangang i-update ang permesso di soggiorno UE, makalipas ang 5 taon mula sa issuance date nito. 

Samantala, ang mga dayuhang may hawak na permesso di soggiorno illimitato na higit sa 10 taon na hanggang sa petsa ng February 1, 2022, ay kailangang i-update ang hawak na dokumento. 

Gayunpaman, ipinapaalala na ang permesso lungo soggiornanti ay balido bilang isang dokumento hanggang limang (5) taon lamang. 

Mga kinakailangang dokumento sa paga-update ng permesso lungo soggiornanti

Sa paga-update ng permesso lungo soggiornanti na ngayon ay balido ng sampung (10) taon, ang dayuhan ay kailangang kumuha ng Kit sa ufficio postale at ipadala ito lakip ang ilang mga dokumento:

  • Sagutan ang modello 1, na matatagpuan sa loob ng kit postale;
  • Marca da bollo na nagkakahalaga ng €16,00;
  • Certificato di residenza;
  • Kopya ng Atto di Nascita ng anak, kung saan nasusulat ang buong pangalan ng ama at ina, sa kaso ng ‘inserimento’ o paglalagay ng pangalan ng anak na menor de edad sa dokumento. 
  • Pagbabayad ng € 30,46 para sa bagong permesso di soggiorno;
  • Pagbabayad ng € 30,00 para sa Ufficio Postale;
  • Bagong 4 ID pictures. 
Click to rate this post!
[Total: 9 Average: 4.4]

Pinoy biktima ng panlilinlang Ako Ay Pilipino

Bonus Trasporto Pubblico, aplikasyon online hanggang December 2022

Assegno Nucleo Familiare (ANF) para sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa ibang bansa, aprubado