Magandang umaga po. Ako ay nag-renew ng aking permesso di soggiorno per lavoro ngunit aking natuklasan na hindi regular sa pagbabayad ng kontribusyon ang aking employer. Maaari bang tanggihan ang renewal ng aking dokumento?
Septiyembre 15, 2014 – Ang hindi pagbabayad ng kontribusyon para sa social security ng isang subordinate job ay hindi maaaring maging kundisyon sa renewal at releasing ng permit to stay, dahil ang dayuhang manggagawa ay hindi direktang sangkot sa pagtupad sa obligasyng ito ng employer.
Sa pamamasukan bilang subordinate worker, ang pagbabayad ng kontribusyon ay obligasyon ng employer at dahil dito ang worker ay maaari lamang i-verify kung nabayaran nga ito o hindi, at kung kinakailangan, ay maaari lamang i-follow up ang pagbabayad kung sakaling ang employer ay nagkukulang sa obligasyong ito. Samakatuwid, sa mga kaso lamang kung saan ang dayuhan ay nangangamuhan o mayroong employer, ay hindi responsabile sa kawalan o kakulangan ng pagbabayad ng kontribusyon at hindi maaaring pagkaitan ng renewal ng permit to stay.
Kung self-employed?
Natatangi ang kaso ng mga dayuhang self-employed. Sa kasong ito, ang worker ay lamang ang tanging responsabile at may obligasyon upang bayaran ang kontribusyon para sa kanyang social security tulad ng nasasaad sa batas.
Tulad ng nabanggit, sa pagre-renew ng permit to stay, sinusuri ng Questura ang mga nakalakip na dokumento, kasama ang mga dokumentasyon na nagpapatunay sa trabaho.
Kung sa panahon ng renewal, ang mga kinakailangang dokumento ay hindi kumpleto, o may kulang, ang awtoridad, bago tuluyang tanggihan ang renewal, ay magbibigay muna ng abiso na maaaring humantong sa pagtanggi. Ang dayuhan, matapos makatanggap ng naturang abiso ay kailangang isama o ilakip, sa itinakdang panahon na nasasaad sa abiso ang kulang na dokumentasyon ng renewal upang kumpletuhan ang lahat ng mga requirements ng pananatili sa bansa.
Sa kasong makita at mapatunayan ang pagkakaroon ng mga remediable administrative irregularities, hindi maaaring tanggihan o ipagkait ang permit to stay maliban na lamang kung ang mga irregularities na ito ay hindi marere-medyuhan, tulad ng nasasaad sa art. 5 ng Batas Pambansa atas 286/98.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]