Malapit na po ang expiration ng aking permesso di soggiorno per studio. Maaari ba itong ipa-convert sa trabaho (lavoro) o dapat i-renew para sa pag-aaral (studio)?
Mayo 4, 2015 – May iba't ibang uri ang permesso di soggiorno per studio. Ito ay ipinagkakaloob, matapos makapasok sa Italya gamit ang student visa o matapos mai-convert ang unang hawak ng permit to stay, sa sinumang nagpatala sa unibersidad, Master degree o simpleng pagpasok sa italian language course.
Mayroong ilang parehong alituntunin para sa lahat ng ganitong uri ng permit to stay: ito ay nagpapahintulot na mag-trabaho ng part time hanggang 20 oras kada linggo o hanggang 1040 oras sa isang taon. Sa pagkakaroon ng mga nabanggit na oras ng trabahao ay hindi na kailangang i-convert ang permit to stay para sa trabaho.
Ngunit sa renewal at conversion ay kailangang maging maingat: ang uri ng kurso kung saan enrolled ang mag-aaral at dahilan ng pagkakaroon ng permesso di soggiorno per studio ay ang nagtatakda kung maaaring ma-renew o dapat i-convert ang nabanggit na dokumento.
Ang renewal ng permesso di soggiorno per studio ay pinahihintulutan lamang kung enrolled sa isang kurso na tumatagal ng ilang taon at hindi maaaring ma-renew ng higit sa 3 taon bukod sa haba ng kurso. Bukod dito, maaari ring ma-renew sa page-enroll sa ibang kurso kung ito ay sa mas mataas na lebel lamang (hal mula sa university diploma sa master degree). Halimbawa naman kung kumukuha ng architecture, ang pagpalit ng kurso ay hindi nagpapahintulot ng renewal ng permesso di soggiorno.
Ang permesso di soggiorno per studio ay palaging convertible sa trabaho (maliban na lamang sa permesso di studio na balido ng 90 araw) ngunit ang proseso na susundin ay nagbabago batay sa uri ng kurso na pinapasukan.
Ang sinumang hindi nakatapos ng piniling kurso sa unibersidad, sa paga-aplay ng permesso di soggiorno di lavoro ay kailangang sundin ang proseso ng decreto flussi, sa pamamagitan ng nakalaang bilang o quota sa dekreto. At samakatwid ay kailangang hintayin ang paglalathala nito sa Official Gazette at suriin kung ang gobyerno ay naglaan ng angkop na bilang o quota para sa conversion ng dokumento mula sa permessi di studio. Sa ganitong kaso, kailangang ipadala ang aplikasyon sa dekreto online sa Sportello Unico per l’Immigrazione na tatanggap at magpo-proseso nito. Ngunit bago isumite ang conversion ng permesso di studio sa pamamagitan ng filled-up kit ng Sportello Unico ay kailangang matanggap muna ang naging tugon ng tanggapan.
Samantala, ang mga nakatapos ng kurso ay maaaring mag-convert ng permesso di soggiorno sa anumang panahon, nang hindi kailangang hintayin ang paglalathala sa decreto flussi.
Gayunpaman, hindi lahat ng mga kurso ay pinahihintulutan, tunghayan sa ibaba ang mga kursong pinahihintulutan:
- Laurea triennale (180 crediti formativi universitari o CFU);
- Laurea specialistica biennale (120 CFU);
- Laurea magistrale (300 CFU);
- Diploma di specializzazione (durata minima 2 anni);
- Dottorato di ricerca universitaria (durata minima 3 anni);
- Master universitario di I livello, post laurea triennale (durata minima 1 anno);
- Master universitario di II livello, post laurea specialistica o magistrale (durata minima 1 anno);
- Attestato o diploma di perfezionamento, post laurea specialistica o magistrale (durata 1 anno).
Ang conversion ay pinahihintulutan sa pagkakaroon ng mga requirements. Kung ito ay lavoro dipendente sapat na ang hiring ng employer ngunit kung ito ay self employment naman, ang mga requirements ay nag-iiba batay sa uri ng aktibidad o negosyo na nais simulan.
Gayunpaman, sa parehong kaso ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa Sportello Unico per l’Immigrazione na nagbibigay ng isang deklarasyon (disponibilità) pagkatapos matanggap nito ay ang pagsusumite ng aplikasyon o filled-up postal kit na ipapadala sa Questura para sa request ng conversion mula pag-aarala sa trabaho.
ni: Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: PGA
Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa permeso di soggiorno per sutdio sa Italya? Bisitahin lamang Migreat.com, ang aming sister website, para sa inyong mga katanungan.