Ako ay nag-aplay ng nulla osta (clearance or authorization) para sa isang Filipino. Ipinagkaloob naman ito sa akin ng Sportello Unico. Dumating na dito sa Italya ang kinuha kong Filipino worker at nakapag-aplay na rin ng permesso di soggiorno (permit to stay) para sa trabaho. Tinawag na siya sa Questura para magfingerprint subalit lubha siyang nag-aalala sapagkat sinabi niya sa akin na siya’y nadeport dahilan sa siya’y nagbigay noon ng pekeng pangalan. Anong panganib ang maaari niyang harapin? Babawiin ba ang kaniyang permesso di soggiorno?
Ang isang dayuhang pumasok sa Italya na may entry visa for work, pumirma sa kontrata (contract of employment) sa Sportello Unico per l’Immigrazione ay dapat magsumite sa accredited post office ng aplikasyon (kit) sa unang issuance ng permesso di soggiorno na inihanda ng Sportello Unico.
Kasabay sa pagpapadala ng kit, ipapaalam ng tauhan ng Post Office sa dayuhan ang araw ng appointment (written communication) sa Questura para sa fingerprints na kinakailangan upang mabigyan ito ng permit to stay.
Kung ang dayuhan, dahil sa isang nakaraang expulsion, ay nagpafingerprints at nagbigay ng pekeng pangalan, matutuklasan ang katotohanan at maaaring maging hadlang ito sa issuance ng permit to stay kahit pa ang Sportello Unico ay nagbigay ng nulla osta.
Ang employer ay hindi malalagay sa panganib at walang dapat ikabahala sapagkat ang nagkasala at gumawa ng krimen ay ang dayuhan dahil sa pagbibigay nito ng false declaration sa pampublikong opisyal, kasinungalingan tungkol sa sariling pagkakakilanlan o katangian o ng iba na nakasaad sa art. 496 ng Penal Code, maaaring parusahan ng pagkakabilanggo hanggang isang taon o ng multa hanggang sa 516 €.
Ang sitwasyon ay magiging mas malubha kung bukod sa pagbibigay ng mga pekeng impormasyon, ang dayuhan nagbigay pa ng pekeng dokumento (tulad ng pasaporte). Sa ganitong kaso, ipapataw rin ang isang anyo ng krimen tulad ng huwad na kilos (489 pc). Kung kaya’t bubuksan ang criminal proceedings laban sa dayuhan na maaaring masentensyahan o mapawalang sala.
Gayunpaman, sa parehong mga kaso ay kinakailangan ang mga paglilinaw.
Ang artikulo 5 ng unang talata D. ng 286/98 ay nagsasaad na maaaring manirahan sa bansa ang mga dayuhang legal na pumasok sa bansa alinsunod sa art. talata 3 o 4 o kaya’y hindi magiging banta (threat) sa kaayusan at seguridad ng bansa; na hindi nahatulan sa mga krimen na binabanggit sa art. 380 talata 1 at 2 ng Penal Code o kaya’y iba pang krimen tulad ng pagkaka-sangkot sa droga, sex trafficking, ang pakikipagsabwatan sa illegal migration, atbp.
Sa lahat ng mga paglabag, kabilang ang mga nabanggit sa Criminal Code Procedure (hal. robbery, pananakit at pagnanakaw) ay walang kinalaman sa false declaration at huwad na pagkilos. Ang parusang igagawad sa mga halimbawang nabaggit ay hindi dahilan upang maging hadlang o tanggihan ang pagkakaroon ng permit to stay para sa trabaho.
Iba ang totoong problema: ang nulla osta ay ipinagkakaloob hindi batay sa pekeng impormasyong ibinigay ng dayuhan. Ang Questura ay hindi magpapahayag ng positibong opinyon sa pagpasok ng dayuhang pinauwi (deported person) sa panahon na nasa proseso ang issuance ng nulla osta mula sa Sportello unico per l’Immigrazione (kung ang dayuhan ay nagbigay ng tunay na pagkakakilanlan) upang ang dayuhan kailanman ay hindi mabigyan ng entry visa.
Sakaling matuklasan ng Questura ang nakaraang deportasyon bukod sa mga krimeng nabanggit sa itaas, ang issuance ang permit to stay para sa trabaho ay maaaring tanggihan.
Hindi maaaring takasan ang expulsion order kung ang isang dayuhan ay pumasok sa Italya ng may pandaraya o panlilinlang. Ito’y itinuturing na pag-iwas sa border control, “ang salitang control” ay hindi nangangahulugan lamang ng pagtakas sa kontrol tulad ng mga dayuhang pumapasok ng illegal sa teritoryong nasyunal, kundi upang tiyakin ang kaayusan ng nasabing kontrol upang pigilan ang illegal entry sa pamamagitan ng lehitimo at wastong pagpapapasok sa bansa (Cassazione Civile sez.I sentenza 13864/01).
Sa puntong ito kailangan maghintay at makita kung paano ang sitwasyon ay mababago at ang lahat ng ito ay nakasalalay sa Questura. Sakaling negatibo ang desisyon at nabigyan ng order of expulsion, maaaring umapela sa korte at Peace of Justice.
Pinawawalang bisa kalimitan ng Korte ang hatol na pagtanggi sa issuance ng permit to stay at at isinasaalang-alang ang kakayan ng dayuhang kumita ng sapat na halaga upang mamuhay ng maayos at magkaroon ng regular na contract of employment ((TAR Emilia Romagna sentenza n. 1524 del 22.04.08 ), alinsunod sa art. 5 talata 5 ng 286/98 na naghahayag na “Ang permit to stay o ang renewal ay tinatanggihan at kung ang permit to stay ay ibinigay, ito ay babawiin kung mayroong mga kulang sa requirements sa pagpasok o sa pananatili sa Italya, maliban sa isinasaad sa Artikulo 22, talata 9, at kung walang karagdagang bagong elemento upang pahintulutan ang pagbibigay nito at kung ito ay hindi tumutugon sa administrative irregularities .. nilaktawan. “
(Hango sa wikang italyano ni Avv. Mascia Salvatore (isinalin sa wikang tagalog ni Liza Bueno Magsino)